Kabilang sa sampung (10) ugat na pinanggalingan ng gamot ang luya o ginger sa Ingles. Sikat rin ang kauri ng luya na kung tawagin ay turmeric o luyang dilaw bilang panglunas. Dagdag pa rito ang mga kilalang ugat ng bawang o garlic, ginseng, labanos o radish, at celeriac o ugat ng kintsay. Ang iba pang kilalang ugat na nakapagpapagaling ng sakit ay ang licorice, marshmallow, echinacea, at goldenseal.
Mga Sakit na Maaaring Mapagaling ng Sampung (10) Ugat na Pinanggagalingan ng Gamot
Ginger o luya - napapahupa nito ang pagkahilo (nausea) at ginagamit rin sa paglilinis ng lalamunan at bituka (digestive system); napapahupa rin nito ang dysmenorrhoea sa mga nireregla.
Turmeric o luyang dilaw - isa itong natural antioxidant at sinasabing mainam na panlinis at panlaban sa mga mikrobyong nagdadala ng sakit (antibacterial, antifungal, at antiviral).
Garlic root o ugat ng bawang - mayroon itong allicinna maimbisang panlaban sa bakterya at halamang-singaw (fungi); panlunas rin ito sa kagat ng bubuyog.
Ginseng - sinasabing nakapagpapagaling ng maraming karamdamanat napapababa ang asukal sa dugo; isa rin itong antioxidant at nakapagpapalakas ng resistensya.
Radish o labanos - marami itong vitamin C na mabisang panlaban sa scurvy; mabisa rin itong panlaban sa mga mikrobiyong nagdadala ng sakit.
Celery root o ugat ng kintsay - nakakabawas ng sakit at pamamaga (anti-inflammatory) at nakakalinis ng bituka.
Ugat ng licorice - ayon sa pag-aaral, mayroon itong kakayahan upang gamutin ang tuberculosis o TB at iba pang bakterya.
Ugat ng marshmallow - nakakabawas sa karamdaman sa baga (respiratory) tulad ng ubo at sa bituka.
Ugat ng echinacea - ginagamit panlaban sa mga virus na nagdudulot ng sipon at flu; maging sa yeast infection.
Ugat ng valerian - ginagamit ito upang gamutin ang mga karamdaman sa pagtulog tulad ng insomnia. #BRAINLYFAST
Basahin naman sa link na ito kung anu-ano ang mga halamang nakakapagpagaling ng sakit ng tiyan:
Answers & Comments
Verified answer
Sampung (10) Ugat na Pinanggagalingan ng Gamot

#BRAINLYFAST