Ang Idyoma o idioms ay matatalinhagang pahayag na nakatago ang tunay na kahulugan nito sa likod ng salita. Natutuhan ang kahulugan ng idyoma sa tulong ng mga salitang dito’y nakapaligid at sa tulong ng malalim na pag-unawa sa diwa ng pangungusap.
Hindi literal ang kahulugan ng mga Idyoma. Ito ay nagbibigay kulay sa ating wika sa larangan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan o pakikipag-talakayan. Sa pamamagitan ng paggamit nito ay nagiging maganda at makulay ang mga salita dahil hindi nilalantad agad-agad ang diwang taglay nito. Binibigyan ng manunulat ang mga mambabasa ng pagkakataong kilitiin ang kanilang isip.
MGA HALIMBAWA NG IDYOMA
Pagputi ng uwak o pag-itim ng kalapati- ang ibig sabihin nito ay imposibleng mangyari ang isang bagay.
Ningas Kugon- sa simula lamang nagiging masipag at madaling magsawa sa bandang huli.
Malapad ang papel- taong may malaking impluwensiya
Di-mahulugang karayom- nangangahulugang maraming tao sa isang pook o lugar.
Naniningalang pugad- nanliligaw.
Nagtataingang Kawali- Nagbibingi-bingihan
Kaututang dila- laging kausap o katsismisan
Magdilang anghel- Umaasa ang isang taong magkatotoo ang isang bagay o pangyayari.
Magsunog ng kilay- Nangangahulugang mag-aral ng mabuti.
Isulat sa tubig- Ang ibig sabihin nito ay kalimutan na. Ito ay kadalasang tungkol sa utang.
Answers & Comments
Answer With Explanation:
ANO ANG IDYOMA?
MGA HALIMBAWA NG IDYOMA