1 Written Work Activity PAGTATAYA (WRITTEN TEST) A Ano ang sasabihin mo o magiging realisasyon sa sumusunod na sitwasyon? 1. Nalaman mong may mga dayuhang nais bilhin ang inyong lugar dahil sa balitang may mina ng gintong makikita nito. Ang pagmiminang ito ay maaring magpababaat makasira ng struktura ng inyong lugar.
Answers & Comments
Verified answer
Answer:
Ang sasabihin ko ay hindi dapat ito pahintulutan lalong lalo na at ito ay mga dayuhan. Itatanong ko kung ano ang kanilang totong pakay sa aming lugar nang sa gayon ay malaman rin ng mga tao ang tunay na kadahilanan. Siguro ay mas magandang magkaisa lahat ang mga tao sa amin at bigyan ng petisyon ang planong pagbili ng aming lugar dahil sa balak na pagmimina. Ilalahad ko ang mga masasamang maidudulot nito sa mga taong naninirahan sa paligid.
Mas mahalaga pa rin ang kalusugan at kaligtasan kay sa kayamanan at kaunlaran. Aanhin ang kayamanan kung nakakapinsala ka naman sa paligid at kalusugan? Bigyan sana ito ng pansin ng lokal na pamahalaan nang sa gayon ay mapangalagaan ang ating kalikasan.
#BRAINLYFAST
Explanation: