Questions


September 2022 1 6 Report
1. Tungkol saan ang kuwento?
________________________________________________________________________
2. Paano sinimulan at winakasan ng may-akda ang kanyang salaysay o
kuwento?
________________________________________________________________________
3. Ano-ano ang mga bantas na ginamit sa talata? Paano nakatulong ang
mga bantas na ito sa paglalahad ng kuwento?
________________________________________________________________________
4. Ano sa palagay mo ang naging paraan ng may-akda sa kanyang
pagsulat? Paano niya inilhad ang mga detalye ng kuwento?
________________________________________________________________________
5. Sa iyong palagay, epektibo ba o mahusay ang kabuuan ng sinulat na
akda? Bakit?
________________________________________________________________________


ito po ung kuwento:

Ang Batang si Onin
ni: Bernadette A. Santiago

Si Onin ay kilalang barker ng dyip ng Moriones – Divisoria. Sampung
taon gulang pa lamang sya ay naghahanapbuhay na siya gamit ang kanyang
magandang boses. Sa umaga ay nag-aaral siya at sa hapon naman ay
pagtatawag ng pasahero ang kanyang iniintindi. Hiwalay na kasi ang mga
magulang ni Onin. Tanging ang kanyang inang naglalabada at apat na kapatid
ang kanyang kasama sa bahay. Siya ang panganay sa magkakapatid.
Bukod sa kanyang pagkakaroon ng malamig na boses sa pag-awit, di
rin siya nagpapahuli sa kanyang galing at husay sa paaralan. Nagwawagi siya
sa mga paligsahan at nangunguna rin sa kanilang klase.
Isang araw, nagmamadaling umuwi ng bahay si Onin buhat sa
paaralan Nagwagi siya sa pansangay na paligsahan sa Tagisan ng Talino sa

15

Agad na pumunta sa Liberty Bakery si Onin at bumili ng isang maliit
na tsokolateng cake.. Pauwi na at nagmamadali siyang maglakad ng isang
humaharurot na motor ang biglang dumaan. Nagsigawan ang mga tao sa
kalye.
Nahagip hawak niyang cake at tumilapon sa daan. Si Onin naman ay
napaupo at nabigla sa mabilis na pangyayaring iyon.
Bumaba ang lalaking nakamotor at tinulungan si Onin na makatayo.
“Pasensya ka na nak, di ko sinasadya ang nagawa ko. Nagmamadali
rin kasi ako eh.” Ang mahinahong sabi ng lalaki.
Matagal bago nakapagsalita si Onin. Ngunit dahil sa ipinakitang
pagmamalasakit ng lalaki ay napawi ang takot ng bata.
“Okey lang po ako. Pero sana naman po ay mag-iingat na po kayo. Baka
sa susunod ay may madisgrasya na po kayo o kayo na po ang madisgrasya.”
Ang paalala ni Onin.
Dahil sa pangyayari, sinamahan ng lalaki si Onin sa tindahan at
pinalitan niya ng mas malaking tsokolateng cake na binili ni Onin. Habang
naglalakad ay natanaw na niya ang kanyang ina at mga kapatid na naluluha
na naghihintay kay Onin. Nabalitaan kasi nila ang nangyari kay Onin.
Hinagkan agad ng mahigpit na yakap ng ina si Onin habang may mga
luhang pumapatak sa kanyang pisngi.
“Anak, ikamamatay ko kung anuman ang mangyari sa inyo na
masama. Sa inyo ng mga kapatid mo. Tanging kayo lamang ang kayamanan
ko.” Ang umiiyak na samo ng ina.
“Inay, maligayang kaarawan po sa inyo. Okey lang po ako. Mabuti na
lamang at tinulungan ako ng lalaki. Heto po ang isang tsokolateng cake para
sa inyo. “Ang naiiyak na pagbati ni Onin sabay abot ang kanyang gintong
medalya.
“Naku anak, di mo lamang alam kung gaano ako kaswerte sa iyo.
Napabuti ng iyong kalaooban. Ipagpatuloy mo ang iyong ginagawa.” Ang
pagmamalaki ng kanyang ina.
“Inay, kayo po ng mga kapatid ko ang aking inspirasyon. Alam kong
matutupad ang aking pangarap na maging isang abogado sa tulong na rin ng
Panginoon. Kayo po ang dahilan kung bakit ako nagsusumikap,” ang
nakangiting wika ni Onin. “Tara na po sa loob at pagsaluhan na natin ang
cake na ito.
Masayang pinagsaluhan ng mag-iina ang cake na punong-puno ng
inspirasyon, pag-asa at pagmamahal para sa pagdiriwang ng kaarawan ng
kanilang mahal na ina

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.