Questions


December 2022 1 0 Report
1. Tumutukoy sa pagiging kasapi o miyembro ng isang indibidwal sa isang estado o bansa batay sa itinatakda ng batas at itinuturing bilang ugnayan ng isang indibidwal at ng estado

A. pagkamamamayan

C. nasyonalismo

B. pagkamakabansa

D. pagka-Pilipino
2. Ito ay isang legal na prinsipyong batayan ng pagkamamamayang Pilipino na nagsasaad na sa kanyang kapanganakan ay nakukuha ng isang indibidwal ang pagkamamamayan ng kanyang mga magulang o isa man sa kanila.

A. jus soli

C. jus gentium

B. jus sanguinis

D. jus dictum

3. Hudisyal na paraan ng pagkuha ng isang banyaga ng pagkamamamayang Pilipino at pagbibigay sa kanya ng mga pribilehiyong katulad ng taglay ng isang likas na ipinanganak na Pilipino

A. naturalization

C. jus soli

B. dual citizenship

D. oath of allegiance

4. Ang sumusunod ay mga paraan at dahilan ng pagkawala ng pagkamamamayang Pilipino. Alin ang hindi kabilang?

A. Pagpapakasal ng isang mamamayang Pilipino sa isang banyaga.

B. Ang isang indibidwal ay sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.

C. Pagkawala ng bisa ng naturalisasyon ng pagkamamamayang Pilipino.

D. Tumakas sa hukbong sandatahan ng Pilipinas sa panahon ng digmaan.

5. Tumutukoy sa mga mamamayang nakikibahagi sa mga pagkilos at gawaing pansibiko tulad ng gawain sa komunidad, pagboboluntaryo, pagkakawanggawa, pangangalap ng petisyon, gayundin ang pakikibahagi sa mga usapin at gawaing politikal

A. political voice

C. charity work

B. active citizenship

D. social gathering

6. Aspekto ng pagkamamamayan na sumasaklaw sa taglay na kalayaan ng isang indibidwal gayundin ang kanyang mga karapatan bilang isang mamamayan

A. citizenship rights

C. civil society

B. citizenship practice

D. civic engagement

7. Tawag sa pagkilos ng mamamayan na naglalarawan ng kombinasyon ng kaalaman, kasanayan, pagpapahalaga, motibasyon, at pagkilos na naglalayong makapag-ambag sa pagbuo at pagpapanatili ng demokratikong lipunan at makapagdala ng pagbabagong panlipunan

A. active citizenship

C. activists group

B. political unrest

D. social engagement

8. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng prinsipyo ng aktibong
pagkamamamayan?

A. Nagtataglay ng kaalamang nauukol sa mga awtoritaryanismong institusyon at proseso.

B. Nagtataglay ng mga kapangyarihan at impluwensiyang kinakailangan upang maging ganap ang pampolitikang tagumpay.

C. Nakilala ang mga hamon o oportunidad sa pamayanan, paaralan, o estado na maaaring matugunan sa pamamagitan ng epektibong pagkamamamayan.

D. Nagtataglay ng katangian ng isang maimpluwensiyang pinuno tulad ng pagtatangi ng lahi, seksuwalidad, kasarian, at iba pang kalagayang panlipunan.

9. Alin sa sumusunod ang tuwirang naglalarawan ng katangian ng aktibong pagkamamamayan?

A. Pagiging isang maimpluwensiyang mamamayan kakayahang himukin ang kapuwa mamamayan na mag-alsa
laban sa pamahalaan.

B. Pagsusuri sa mga hamon o oportunidad sa pamayanan, paaralan, estado, o bansa na maaaring gawing oportunidad upang mapaunlad ang sariling buhay.

C. Nagtataglay ng katangian ng isang makademokratikong mamamayan tulad ng pagkilala at paggalang sa pagkakaiba-iba ng etnisidad, relihiyon, at seksuwalidad.

D. Epektibong paggamit ng kasanayan, kaalaman, at pagpapahalaga upang makasabay sa hamon ng kapaligiran at makalamang sa mga katunggali sa politika..

10. Alin sa sumusunod na mga indibidwal ang maituturing bilang Pilipino batay sa kanilang kalagayan?

A. Si Kyrie ay ipinanganak sa Australia mula sa kanyang banyagang ama at Pilipinong ina. Naging naturalized Australian citizen ang kanyang ina isang buwan matapos ang kapanganakan ni Kyrie.

B. Si Marga ay ipinanganak noong Enero 16, 1973. Pilipino ang kanyang ina at banyaga ang kanyang ama. Hindi siya nanumpa bilang mamamayang Pilipino nang siya ay tumuntong sa edad na 21.

C. Si Ginoong Reyes ay dating kasapi ng hukbong sandatahan ng Pilipinas. Tumakas siya kasama ng kanyang pamilya patungo sa ibang bansa nang ang kanyang hukbo ay nahaharap sa isang digmaan.

D. Si Carmina ay ipinanganak noong 1974 sa America. Ang kanyang ama ay isang Amerikano at ang kanyang ina ay Pilipino. Naging naturalized American citizen ang kanyang ina tatlong (3) buwan bago ipinanganak si Carmina.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.