1. Tulang Liriko o Pandamdamin - Sa uring ito tinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin o saloobin. Ito ang itinuturing na pinakamatandang uri ng tulang isinusulat ng mga makata sa buong daigdig. Ito ay puno ng damdamin at madalas ding gamiting titik ng mga awitin. Ang pagkakaugnayan ng tulang liriko at musikang sinasaliwan ng instrumentong tinatawag na lira ang siyang dahilan kung bakit ito nakilala sa taguring tulang liriko. Ito rin ang dahilan kung bakit ngayon malimit pumpasok sa ating isipan na ang liriko ay alinman sa dalawang;tulang talagang kakantahin o kaya’y tulang may katangiang awit.narito ang ilang uri ng tulang liriko.
a. Ang Awit (Dalitsuyo)
b. Ang Pastoral (Dalitbukid)
c. Ang Oda (Dalitpuri)
d. Ang Dalit (Dalitsamba)
e. Ang Soneto (Dalitwari)
f. Ang Elehiya (Dalitlumbay)
2. Tulang Pasalaysay - Ang uri ng tulang ito ay naglalahad ng mga tagpo o pangyayari sa
pamamagitan ng mga taludtod. Narito ang apat na uri ng tulang ito:
a. Ang Epiko (Tulabunyi)
b. Tulasinta (Metrical Romance)
c. Tulakanta (Rhymed o Metrical tale)
3. Tulang dula - Ito ay mga tulang isinasadula sa entablado o iba pang tanghalan. Narito ang mga
uri nga tulang dula.
a. Tulang Mag-isang Salaysay(Dramatic Monologue)
b. Tulang Dulang Liriko -Dramatiko
c. Tulang Dulang Katatawanan(Dramatic Comedy)
d. Tulang Dulang Kalunod lunos(Dramatic Tragedy in Poetry)
e. Tulang Dulang Madamdamin(Melodrama in Poetry)
f. Tulang Dulang Katawa-tawang-Kalunos-lunos(Dramatic Tragicomedy in Poetry)
g. Tulang Dulang Pauroy(Farce in Poetry)
4. Tulang Patnigan (Justice Poetry)-Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng magkakatunggaling
makata ngunit hindi sa paraang padula. Ang sumusunod ang mga uri ng tulang patnigan
a. Karagatan
b. Duplo
c. Balagtasan
d. Batutian
Answers & Comments
Answer:
1.E
2.B
3.F
4.A
Explanation:
yan sagot ko ehh :))
Answer:
E B F A
Explanation:
Sana maka tulong sayo