Questions


September 2022 1 18 Report
1. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag at bilugan ang mga tamang sagot mula sa mga
salitang nasa loob ng panaklong.
1. Kasunduan kung saan ipinagkaloob ng Espanya sa Estados Unidos ang pamamahala sa
Pilipinas
(Kasunduan sa Biak na Bato, kasunduan sa Paris)
2. Mga Amerikanong nagsilbing guro ng mga Pilipino noon.
(Misyonero, Thomasites )
3. Uri ng pamahalaang itinatag upang mapigilan ang pag-aalsa ng maraming Pilipino
(Pamahalaang Militar, Pamahalaang Sibil
4. Unang batas na naglalayong mabigyang kasarinlan ang Pilipinas at magkaroon ng metatag
na pamahalaan.
(Batas Gabaldon, Batas Jones)
5. Sa batas na ito nakasaad na ipagkaloob sa Pilipinas ang kalayaan matapos ang sampung taon
at ang pagtatayo ng base militar sa bansa.
(Batas Hare-Hawes-Cutting, Batas Tydings McDuffie)
6. Ang batas na ito ay nagbigay daan sa pagkakatatag ng pamahalaang Komonwelt at
kasarinlan ng Pilipinas.
(Batas Hare-Hawes-Cutting, Batas Tydings-McDuffie)
7. Ang programa ni Pangulong Quezon para sa kapakanan ng mga manggagawa at
mapangalagaan ang kanilang seguridad.
(Katarungang Panlipunan, Tanggulang Pambansa)
8. Ito ang ipinahayag ni Hen. Douglas McArthur sa Maynila upang ito'y mailigtas sa trahedya
ng digmaan.
(Asya Para sa Asyano, Open City)
9. Ito ang relihiyong ipinakilala sa bansa ng mga Amerikano na pinangungunahan ng isang
pastor
(Katolisismo, Protestantismo)
10. Isa sa mga larangang pinaunlad ng Amerikano sa bansa upang mapabilis ang paglalakbay
paghahatid ng mga produkto sa iba't ibang panig ng bansa.
(Transportasyon, Komunikasyon)​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.