1. Tandaan na ang social media at ang internet ay itinuturing na isang publikong
lugar
Anumang bagay na i-post natin sa social media at sa internet ay
naisasapubliko. Ang isang post ay maaring mabasa ng daan-daan nating mga
kaibigan at kakilala. Maari rin itong mai-share at umabot sa libu-libo, o maging
milyun-milyong naka-konekta sa internet.
Kaya dapat tayong maging maingat sa lahat nang ating mga pananalita,
ekspresyon, at maging sa mga larawan na ginagamit. Tandaan na maaaring mabasa
at bigyan ng kahulugan ito ng kung sino-sino at samut-saring uri ng tao. Tandaan
din natin na kung ano ang ating naging reputasyon online, ganun din ang magiging
pagkilala sa atin sa tunay na buhay.
Hanggat maaari, iwasang mag-post ng masyadong pribadong mga usapin o
paksa, maseselang larawan, at video. Huwag mag-post ng maaring makasakit o
makagalit sa ibang tao.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.