1. Siya ay isang Amerikanong guro, may-akda, negosyante at pangunahing
tagapagsalita. Ang kaniyang pinakatanyag na libro ay ang The 7 Habits of Effective
People.
a. Stephen Curry
b. Stephen Swartz
c. Stephen Covey
d. Stephen Kurt

2. Ayon kay Stephen Covey, upang makabuo nito, magsimulang tukuyin ang sentro ng kaniyang buhay - halimbawa: Diyos, pamilya, kaibigan, pamayanan. Ito ay dahil ang sentro ng buhay mo ang magbibigay sa iyo ng seguridad, paggabay, karunungan at kapangyarihan.

a. PTMB
b. PPNB
c. PPMV
d. PPMB

3. Ito ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay. Ito ang resulta ng
kaniyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa at naging eksperto na siya dito. Ito ay maaaring gusto niya o hindi ngunit kailangan niyang gawin sapagkat ito ang
pinagkukunan niya ng kaniyang ikabubuhay. At dahil sa ikabubuhay lamang nakatuon ang kaniyang paggawa hindi siya nagkakaroon ng ganap na kasiyahan.

a. Bokasyon
b. Misyon
c. Bisyon
d. Propesyon

4. Ito naman ay katulad din ng propesyon ngunit nagiging mas kawili-wili ang paggawa para sa tao. Mas lalo siyang nasisiyahan sapagkat nagagamit niya ang kaniyang talento at hilig sa kaniyang ginagawa. Hindi niya nararamdaman ang pagkabagot. Hindi nagiging kompleto ang araw sa kaniya kung hindi ito magagawa sapagkat ito ang nakapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang buhay.

a. Bokasyon
b. Misyon
c. Bisyon
d. Propesyon

5. Mula dito ay hindi na lamang simpleng trabaho ang kaniyang ginagawa kundi isang na nagiging isang bokasyon. Dito tunay na nagkakaroon ang tao ng
tunay na pananagutan sapagkat naibabahagi niya ang kaniyang sarili at kumikilos siya para sa kabutihang panlahat.

a. Bokasyon
b. Misyon
c. Bisyon
d. Propesyon

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.