Questions


August 2022 1 5 Report
Lolo na sa bangketa ng Maynila nakatira, humingi ng tawad sa mga anak niya sa Bicol na nais na
niyang makapiling
Matanda at maysakit na, wala na raw ibang hiling ngayon ang isang lolo na sa bangketa na lang ng Sampaloc,
Manila natutulog kung hindi ang makauwi sa kaniyang pamilya sa Bicol, at makapiling ang mga anak na
kaniyang napabayaan at 20 taon na niyang hindi nakakapiling.
Matapos makita sa social media ang mga larawan at kalagayan ni lolo Bernardo Catacutan Jr., pinuntahan siya
ni GMA News reporter Vonne Aquino para kumustahin.
Ayon kay lolo Bernardo, lumuwas siya noon sa Maynila para maghanap-buhay at naiwan niya sa probinsiya sa
Camarines Sur ang tatlo niyang anak.
Noong 2010, nagkaroon siya ng tuberculosis.
Sa kaniyang lumang larawan, makikita na malaki ang ibinagsak ng kaniyang katawan.
Aniya, sa nakalipas na 30 taon ay wala raw magandang nangyari sa kaniyang buhay at puro kamalasan lang.
Pero higit sa kagustuhan na bumuti ang kalusugan, mas gusto niyang makauwi na sa Bicol at makita ang mga
anak.
Humingi siya ng tawad sa kaniyang mga anak na kinasasabikan niyang makita na kaniya raw napabayaan.
"Nami-miss ko sila...anak ko po 'yan, sa akin po nanggaling 'yan. Ama ako kahit na nagkaganito ako, ama pa
rin ako. Gusto kong ibigay sa kanila ang lahat ng kaligayan kaya lang hindi ko nagawa," pahayag niya.
"Naging iresponsable po akong ama, naging makasarili rin ako. Kaya sa mga anak ko, sana mapatawad niyo
ako," dagdag niya.
Idinulog ng GMA News sa Manila Social Welfare Department ang kalagayan ni Catacutan at dinala siya sa
ospital ng Maynila para masuri.
Ayon sa ospital, hindi naman kailangan i-confine si lolo Bernardo kaya niresitahan na lang ng gamot.
Mula sa ospital, dinala naman siya sa shelter sa Delpan Sports Complex para doon muna mamalagi. Tutulungan
daw siyang makauwi sa Bicol kapag bumuti na ang kaniyang kalagayan. --FRJ, GMA News
Pinagkuhanan:
GMA. (2020, June 13). Lolo na sa bangketa ng Maynila nakatira, humingi ng tawad sa mga anak niya sa Bicol
na nais na niyang makapiling. GMA News Balitambayan.
https://www.gmanetwork.com/news/balitambayan/balita/742447/lolo-na-sa-bangketa-ng-maynila-nakatirahumingi-ng-tawad-sa-mga-anak-niya-sa-bicol-na-nais-na-niyang-ma/story/
1. Sino ang lolo na lumuwas ng Maynila para magtrabaho?
A. Vonne
B. Bernardo
C.Jun
D. Basilio
2. Saang probinsiya galing ang pangunahing tauhan sa kuwento?
A. Naga
B. Legaspi City
C. Camarines Sur
D. Camarines Norte
3. Kailan nagkasakit ang tauhan sa kuwento?
A. Taong 2010
B. Taong 2011
C. Taong 2012
D. Taong 2013
4. Saan dinala para mamalagi ang pangunahing tauhan sa kuwento?
A. Marikina Sports Complex
B. Bicol
C. Dalpan Sports Complex
D. Manila Social Welfare Department
5. Anong salita ang kasingkahulugan ng terminong “bangketa”? Magbigay ng isa.
________________________________
6. Ano kaya ang nais iparating ng manunulat ng kuwentong ito? Magbigay ng hindi bababa sa dalawa (2)
sa anyo ng pangungusap.
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
7. Sa iyong palagay, naging sapat ba ang mga impormasyon na binigay ng manunulat ukol sa
pangunahing? Bakit?
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.