1. Sigaw sa Pugad Lawin
2. Kumbensiyon sa Tejeros
3. Pagtatatag ng Kongreso ng Malolos
4. Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas
5. Kasunduan sa Biak-na-Bato
6. Pagbabalik ni Aguinaldo mula sa Hong Kong
7. Pagbubunyag ng Katipunan
8. Paglitaw ng Katipunan
9. La Liga Filipina
ons
10. Unang Republika ng Pilipinas
Answers & Comments
Answer:
1.Ang Sigaw ng Pugad Lawin (kilala din sa orihinal na tawag na Sigaw ng Balintawak) ay ipinahayag ng Katipunan at naging simula ng Himagsikang Pilipino laban sa Imperyong Kastila upang makamit ang kasarinlan.
2.Ang Kapulungan sa Tejeros o Kumbensiyon sa Tejeros ay ang pagpupulong ng dalawang paksiyong manghihimagsik ng Himagsikang Pilipino na ginanap sa Casa Hacienda ng Tejeros sa bayan ng San Francisco de Malabon (ngayo'y General Trias), Cavite noong 22 Marso 1897. Ang naturang paksiyon ng Katipunan na nagpulong dito ay ang Magdiwang na pinamumunuan ni Andres Bonifacio, at ang Magdalo na pinamumunuan naman ni Emilio Aguinaldo.
3.Ang Kongreso ng Malolos o pormal na kinikilala bilang "Pambansang Asambleya" ng mga kinatawan ay ang asambleya ng mga nahalal ng Unang Republika ng Pilipinas. Sila ay nagtipon-tipon sa Simbahan ng Barasoain sa Lungsod ng Malolos, Bulacan.Ito ang siyang bumuo ng Konstitusyong Malolos.
Ang kongresong ito ay hindi higit pa sa isang pakitang tao lamang. "Ito ay para maipakita sa mga dayuhang korespondyente na ang mga Pilipino ay sibilisado, ngunit ang karamihan sa mga gawain ng pagbubuo ng bansa ay ginagawa sa Katedral ng Malolos ng sangay ehekutibo ng pamahalaang pinamumunuan ni (Pangulo ng Pilipinas na si Emilio) Aguinaldo, na siya ding namumuno sa hukbong lumalaban sa mga Amerikano," ayon kay manananggol Cris Santiago, dating pangulo ng Samahang Pangkasaysayan ng Bulacan.
4.Ang Pagpapahayag ng Kalayaan ng Pilipinas ay iprinoklama noong Hunyo 12, 1898, sa Cavite II el Viejo (ang kasalakuyang Kawit, Cavite), Pilipinas. Binasa sa publiko ang (Kastila: Acta de la proclamación de independencia del pueblo Filipino) na isinulat ni Ambrosio Rianzares Bautista. Inihayag ng puwersang rebolusyunaryong Pilipino sa ilalim ni Heneral Emilio Aguinaldo ang kalayaan at soberenya ng kapuluan ng Pilipinas mula sa pamumunong kolonyal ng Espanya.
5.Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay ang kasunduan sa gitna ng mga magdiwang at mga Magdalo upang matigil ang Himagsikang Pilipino noong 1896. Sa pamamagitan ni Pedro Paterno, nilagdaan ni Gobernador-Heneral Primo de Rivera ang Kasunduan sa Barangay Biak-na-Bato, San Miguel, Bulacan.
6.Pagbalik ni Aguinaldo mula sa Hongkong noong1898 agad siyang naglabas ng mga manipestotungkol sa pagsasaayos ng edukasyon sa bansa.
7.Nabunyag ang Katipunan sa pamahalaang Kastila noong umamin ang isang kasapi na si Teodoro Patiño sa kaniyang kapatid na babae ukol sa mga ilegal na gawain ng Katipunan, at kinalaunan sa madreng pinuno ng Ampunang Mandaluyong. Pitong taon matapos ang pagkakatuklas ng mga Kastila sa Katipunan, pinunit ni Bonifacio at ang kaniyang mga tauhan ang kanilang mga cedula sa Sigaw sa Pugadlawin, na nagpasimula ng Rebolusyong Pilipino.
8.Ang Kataas-taasang, Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan o mas kilala bilang Katipunan at KKK ay isang lihim na samahan na itinatag sa Pilipinas ni Andres Bonifacio na may layuning palayain ang bansa sa ilalim na ng mga mananakop na Espanyol.
Naitatag ang Katipunan noong Hulyo 7, 1892, matapos na mahuli at maipatapon si Jose Rizal na isa sa mga pinuno ng Kilusang Propaganda at siya ding tagatatag ng La Liga Filipina, na kung saan miyembro rin si Andres Bonifacio.
9.Ang La Liga Filipina ay isang samahan na itinatag ni Jose Rizal sa Pilipinas noong Hulyo 3, 1892. Binubuo ito ng mga taong nagnanais na maputol ang pang-aapi ng mga Kastila sa mga Pilipino. Ito ang nagpasimula ng pagkakaroon ng nasyolisasyon ng mga Pilipino.
10.Ang Unang Republikang Pilipino (opisyal na tinawag na República Filipina, ay ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng paghahayag ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 23, 1899 sa Malolos, Bulacan hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo, sa mga sundalong Amerikano noong Marso 23, 1901 sa Palanan, Isabela, na nagtapos sa Unang Republika. Ito ang unang republikang itinatag sa Asya ng mga Asyano.