Questions


August 2022 1 0 Report
___1. Saan nakabatay ang Likas na Batas Moral ? a. Mula sa Diyos c. Mula sa kaisipan ng mga Pilosopo b. mula sa aklat ni Tomas de Aquino d. mula sa pagkaunawa ng isip ng tao ___2. Alin sa mga sumusunod ang hindi naaayon sa Likas na Batas Moral ? a. Pagmungkahi sa mga ina na regular na magpatingin sa malapit na center sa kanilang lugar. b. pagkaltas ng buwis sa mga manggagawa ng walang konsultasyon c. Pagtuturo sa mga bata ng tamang pangangalaga sa sarili d. Paghihikayat sa mga tao na magsimba sa araw ng Linggo. ___3. Sa paanong paraan natutuhan ang Likas na Batas Moral ? a. Ibinubulong ng anghel c. sumusibol mula sa konsensiya b. Itinuturo ng bawat magulang d. Naiisip na lamang ___4. Ang tama ay pagsunod sa mabuti , Ito ay totoo dahil_____. a. Naaayon sa lahat ng panahon at pagkakataon. b. mula sa sariling pag-alam at pakiramdam. c. Angkop sa pangangailangan at kakayahan . d. para sa ikabubuti ng lahat at hindi ng iilan lamang ___5. Alin sa sumusunod ang naglalarawan na tama ang isang pasiya o desisyon ? a. makapagbubuti sa tao c. ito ay ayon sa mabuti b. walang nasasaktan d. magdudulot ng kasiyahan ___6. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa Likas na Batas Moral. a. pagpilit sa mga tao na magsimba c. pagkaltas ng buwis sa manggagawa b. pangungulit sa bata na maligo d. pag-utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doctor ___7. Paano nalalaman ang mabuti? a. Kung ito ay nakakatulong sa pagkabuo ng sarili. b. kung ang pagpili ay batay sa panahon, kasaysayan, konteksto at sitwasyon c. kung ang ginawang desisyon ay sabay na ginagamitan ng isip at puso. d. Kung ang mga posibleng epekto ng pagpili ay mapanindigan niya ang mga bungang kakaharapin . ___8. Dahil mahigpit ang kampanya laban sa paggamit ng illegal na droga, ang ibang kabataan ay napapansin mong nagnganganga o nagbabantay na lang sa mga tindahan ng dahon ng cocaine, dahon ng buyo, tabako, bangkit(apog), at bunga ( betel nut) mga sangkap na mapagkukunan ng local na droga. Anong sangkap na kilos ang gagawin mo upang maituwid mo ang bisyong ito ? a. Panoorin ko ang kanilang ginagawa. b. Iuulat ko ang kaganapan sa mga kinauukulan c. kunan ko sila ng mga larawan at ipapakita sa pulisya. d. Pagsasabihan ko ang mga nagtitinda na pagtutulak pa rin iyon ng droga. ___9. Ang ating lipunan ay binubuo ng mga batas na nilikha para sa kabutihang panlahat. Alin sa mga sumusunod ang tunay na diwa nito ? a. Protektahan ang iilang mayayaman at may kapangyarihan . b. ingatan ang interes ng nakararami. c. itaguyod ang karapatang pantao d. kondenahan ang mapagsamantala sa kapangyarihan . __10. Paano sinikap ng ating estado na iangkop ang kultura bilang pagkilala sa karapatang pantao ng bawat mamamayan.? a. sa pamamagitan ng maraming batas b. Sa pamamagitan ng pagbuo ng konstitusyon kalakip ang mga karapatan at proteksiyon ng mga mamamayan . c. Sa pamamagitan ng pagtatayo ng maraming imprastraktura na senyales ng pag- unlad ng ekomomiya ng bansa. d. Sa pamamagitan ng pagtatatag ng iba’t ibang samahan na sasagot sa pangangailangan ng bawat mamamayan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.