1. Sa pamamagitan ng tamang dokumentasyon ng mga ginamit na resorses sa
pananaliksik maipakikita tunay na integridad nito na may pagsunod sa prinsipyo ng
pagbuo ng pananaliksik at umiwas sa _______ ng isinulat ng iba sapagkat may batas
tungkol sa plagiarism.
A. pagsasalin
B. pagpapalit sa ngalan ng tunay na awtor
C. pagbabalewala sa orihinal na awtor o mananaliksik
D. pangongopya sa gawa ng ibang mananaliksik o awtor.
2. Ang kasanayan sa sistematikong pangangalap ng mga tala mula sa mga natukoy na
sanggunian ay isang mahalagang kasanayan ng isang ______ na mananaliksik
A. mabait
B. matalino
C. maingat
D. masipag
3. Ang pagbubuo ng _______ ay makatutulong upang madaling mabalikan ang mga
ginamit na sanggunian kung kinakailangan.
A. talasalitaan
B. talatakdaan
C. talahanayan
D. talasanggunian
4. Mahalaga ang etika sa pananaliksik. Kailangang ang mga tuwirang-sipi at mga halaw
na kaisipan mula sa ibang awtoridad, eksperto, mananaliksik, may-akda ay kailangang
________.
A. angkinin
B. baguhin
C. kalimutan
D. kilalanin
5. Tiyaking nakatala sa reference list ang mga sangguniang ginamit sa pananaliksik na
matatagpuan sa ___________ bahagi nito.
A. gitna
B. harap
C. huli
D. simula
Answers & Comments
Answer:
1) D
2) B
3) D
4)D
5)A
Explanation:
SANA MAKATULONG :)