Questions


April 2021 1 174 Report
1. Sa pamamagitan ng kilos-loob, nahahanap ng tao ang :

a. Kabutihan b. katotohanan c. kaalaman d. karunungan

2. Sa pamamagitan ng isip, nahahanap ng tao ang:

a. Kabutihan b. katotohanan c. kaalaman d. karunungan
3. Ang isip at kilos-loob ay kailangang sanayin at linangin sa pagkamit ng:

a. Magandang buhay ng tao

b. tagumpay ng tao

c. kaganapan ng tao

d. kasiyahan ng tao

Sa tuwing nagkakamali ang mga anak ni Mang Rolly ay kaagad niya itong

binibigyan ng palo ng kanyang mga kamay mismo. Para kay Mang Rolly dapat lamang

ito upang hindi na maulit ang mga pagkakamali ng mga anak, ito ay isang paraan ng

pagdidisiplina sa kanila.

4. Naging tama ba ang gamit ng kamay ni Mang Rolly para sa kanyang mga

anak?

a. Tama, ginamit niya ang kamay para madisiplina ang mga anak.

b. Tama, dahil isa ito sa gawain na pwedeng ipagawa sa kamay.

c. Mali, dahil ginamit niya ito sa maling pagsasakatuparan ng isang kilos.

d. Mali, dahil maglalayo ito sa kalooban ng anak sa kanya.

5. Ano ang hindi nabigyan pansin ni Mang Rolly sa tuwing mapapalo niya ang

kanyang mga anak?

a. Ang epekto sa damdamin ng kanyang ginawa sa mga anak

b. Ang epekto ng kanyang ginawa sa kanyang kamay

c. Ang pagsusuri ng kanyang ginagawa sa mga anak

d. Ang tamang kilos na dapat gawin niya.

6. Katangian ng isip na may kakayahang ibalik ang nakaraang mga nangyari.

a. maghusga b. mangatwiran c. magsuri d. mag-alaala

7. Ito ang ginagamit sa pagsasakatuparan ng isang kilos o galaw.

a. Isip b. kilos-loob c. konsiyensya d. emosyon 8. Ang halaman at hayop ay ganap na nilikha ng Diyos. Ang pahayag ay:

a. Tama, dahil lahat ng mga ito ay nilikhang may buhay ng Diyos

b. Mali, dahil ang halaman at hayop ay hindi tulad ng tao na ipinanganak at

may mga magulang.

c. Mali, dahil may mga bagay na taglay ang tao higit pa sa mabuhay, maging

malusog at makaramdam.

d. Tama, dahil katulad ng tao ay nangangailangan din silang alagaan upang

lumaki, kumilos at dumami.

9. Sa tuwing may ipinagagawa o ipinahahanap si nanay sa atin at hindi natin ito

nagawa nang tama, ano ang kalimitang sinasabi ng nanay?

a. Isa kang tamad! c.Hindi mo ba ginagamit ang isip mo?

b. Grabeng bata ! d. Kawawang bata.

10. Bata pa lamang si Liza ay nakitaan na siya na may kahusayan sa pagsasa-ulo

madaling makatanda sa mga pinag-aaralan. Anong katangian ng isip mayroon

siya?

a. husay mangatwiran c. husay humusga

b. husay sa kamalayan d. husay magmemorya

11. Ano ang dapat pang gawin ni Lisa ka kanyang kahusayan na ito?

a. hayaan lamang

b. sikaping mapa-unlad pa

c. ipagmalaki sa iba

d. ibahagi sa iba

12. Alin sa katangian ng isip ang nagbibigay ng pagkakataon na alamin muna

kung ang pasya ay tama o mali, kung makakabuti o makakasama?

a. maghusga c. mangatwiran

b. magsuri d. mag-alaala Nahuli ng kanyang guro si Rolando na nagpapakopya sa kanyang kaibigan sa

oras ng pagsusulit. Nagawa niya lamang ito dahil sa awa sa kaibigan at sa patuloy na

pangungulit at panunumbat. Nakita sila ng guro sa kanilang ginagawa. Nang ipatawag

ng guro ay palaging sinisisi ni Rolando ang kaibigan at ito raw ang nararapat na

sisihin.

13. Ano ang nakaligtaan ni Rolando sa pagkakataon na ito?

a. Ang kahihinatnan ng kilos ng tao ay nakabatay sa lalim o lawak ng epekto

nito para sa sarili.

b. Ang pagtulong sa kapwa ay nararapat na nakabatay sa kakayahan ng

kapwa na akuin ang pagkakamali.

c. Walang anomang pwersa sa labas ng tao ang maaaring magtakda ng

kilos para sa kanyang sarili.

d. Ang pangungulit at panunumbat ay hindi dapat pinapakinggan.

14. Ano ang mas unang ginamit ni Rolando kaya pinatulad niya ang kaibigan?

a. isip c. konsensya

b. kilos-loob d. emosyon

15. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?

c. mag-isip c. magpasya

d. mangatwiran d. makonsensya

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.