Questions


October 2022 1 0 Report
1. Sa pahayag na “Marami sa haligi ng tahanan ang nangingibang bansa para kumita at
naiiwan ang kanilang mag-ina sa Pinas”, anong ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
A. anak B. ama C. ina D. kapatid
2. Sa pahayag na “Nawa’y magdilang anghel ka para magkatutuo na mananalo ako sa lotto”,
anong ibig sabihin ng salitang may salungguhit?
A. maging totoo C. pupuntang langit
B. maging mayaman D. magmukhang anghel
3. Ito ang pinakamataas na antas ng wika. Ginagamit ng mga makata at pantas sa kanilang
pagsusulat. Kabilang dito ang matatalinghagang salita at mga salitang nagbibigay ng
pahiwatig, simbolismo at larawang diwa.
A. Balbal B. Kolokyal C. Lalawiganin D. Pampanitikan
4. Alin sa sumusunod na pangungusap ang may salitang Balbal?
A. Dapat ay gora lamang sa lahat ng mga pagsubok sa buhay.
B. Ang mga taong may paniniwala sa Panginoon ay matatag sa buhay.
C. Huwag mawawalan ng pag-asa dahil ang buhay ay parang gulong. Minsan nasa
itaas minsan nasa ibaba.
D. Wala sa nabangit
5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang may salitang Kolokyal?
A. Ang lahat ng bagay ay nakikita ng Diyos.
B. May kasabihan ngang nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
C. Bilang mga anak, dapat sumunod tayo sa utos nina ermat at erpat.
D. Kung meron man dapat pasalamatan, ito ay ang Diyos na siyang maylikha.
6. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng kahalagahan ng Antas ng Wika, MALIBAN sa____
A. nagiging maayos ang usapan
B. naiiwasan ang inggit at galit sa isa’t isa
C. naiaangkop ang salitang gagamitin batay sa taong kausap
D. naipahahayag nang maayos ang damdamin o saloobin sa kausap

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.