Questions


October 2021 0 4 Report
1. Sa oras ng mga pagsubok sa buhay, ang tao ay hindi dapat mawalan ng _________. A. kabanalan B. kapayapaan C. pagmamahal D. pag-asa
2. Ang bawat isa ay may kakayahang maghatid ng pag-asa dahil ang tao ay likas na ____.
A. mabuti B. masayahin C. matalino D. matiyaga
3. Sa mga panahong ang pakiramdam natin ay iniwanan na tayo ng lahat, lagi nating tandaan na
hindi tayo kailanman pababayaan ng_______.
A. kaibigan B. kapitbahay C. kamag-aral D. Maykapal
4. Dapat nating tandaan na anumang ginawa natin sa ating _______ay parang ginawa na rin
natin sa Diyos.
A. kapaligiran B. kapuwa C. sarili D. tatay
5. Ang pagpapakita ng kabutihang-loob sa kapuwa ay nakapagpapaunlad din sa _______ ng tao.
A. ispiritwalidad B. kagalingan C. kasikatan D. pisikal
6. Ang iyong kapitbahay ay isa sa naging biktima ng bagyong nagdaan. Nasira ang kanilang mga
pananim sa bukid at bahay. Tinulungan mo sila sa pagdarasal para sa kanilang muling
pagbangon. Ikaw ay nagpapakita ng ugaling____________.
A. matapat C. pagtulong sa mga nangangailangan
B. nakikipagbayanihan D. nakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
2
7. Sa pagsakay mo ng bus ay may isang matandang nakatayo na maraming dala. Ang
lahat ay nakaupo nang maayos. Ano ang iyong gagawin?
A. pagtatawanan C. tatayo at siya’y papaupuin
B. pababayaan siya D. magkukunwari na wala akong nakita
8. Bukas na ang piyesta sa inyong lugar. Ang mga opisyales ay abalang-abala sa pag-aayos ng
kapilya. Sa dami ng inihanda sa kapilya ay hindi na magkaintindihan ang mga opisyales kung
ano ang uunahing gawin. Ano ang gagawin mo?
A. tutulungan ko sila
B. makikipaglaro sa mga batang nasa kapilya
C. magkukunwaring abala ka sa inyong bahay
D. ipagdarasal na lamang na matapos na ang kanilang gawain
9. Bumuo ng isang grupo ng relihiyon ang iyong mga kaibigan dahil mas madali raw maririnig
ng Diyos ang kanilang mga panalangin sa kanilang mga gawain. Hinihikayat ka nilang sumali
sa grupong ito. Ano ang iyong gagawin?
A. iiwasan sila
B. magtatanong muna sa mga magulang
C. pagtatawanan ang kanilang ginagawa
D. titingnan ang tunay na layunin ng kanilang grupo kung bakit nila ito binuo
10. Inaaanyayahan ang lahat sa parokya ninyo na sumali sa prusisyon ng Santa
Maria. Nagkataong hindi ka katoliko. Ano ang nararapat mong gawin?
A. hindi mo na lamang papansinin ang paanyaya.
B. kukutyain mo ang mga katoliko sa kanilang pananampalataya
C. hindi ka sasali ngunit igagalang mo ang pananampalataya nila
D. makikilahok ka sa prusisyon alang-alang sa pakikisama sa barangay

nonsense=report. correct answer=brainliest

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.