1. Panuto: Basahin muna ang teksto sa ibaba. Sikaping maibigay ang tamaris sagot sa mga tanong pagkatapos nito. Ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay namumuhay sa pamamagitan ng pagpapalipat-lipat sa mga lugar na may makakalap pagkain. Pangangaso ang nakasanayang pamumuhay ng ating mga ninuno ngunit natuto rin silang magtanim upang madagdagan ang kanilang pagkain. Gamit ang bato nakakabuo sila ng apoy sa pamamagitan ng pagtapyas ng mga ito. Karaniwan sa mga gamit nila ay gawa sa kahoy. Ang mga bahay nila ay binuo ng mga dahon at patpat. Nagsimulang mabuo ang mga pamayanan sa mga tabing ilog at dagat at kalaunan ay naging mahalaga ang ugnayan ng mga pamayanan at pakikipagkalakalan. May mga pamayanan ding nabuo sa kabundukan na matatagpuan malapit sa mga sapa. Nabuo ang kalipunan ng mga pamilya at ng ilang mga magkakamag-anak at sumanib na rin dito ang magakakaibang barangay na bumuo sa higit na malalaking pamayanan. Binuo ni Aldrin G. Tingno Mga Tanong:
1. Anong uri ng pamumuhay ng mga Pilipino ang nabanggit sa teksto?
2. Paano sila nakakabuo ng apoy?
3. Maliban sa pangangaso, ano-ano pa ang naging pamumuhay nila?
4. Gaano kahalaga ang tubig sa pamumuhay ng mga
tao?
5. Bakit kailangang sumanib ang mga pamayanan para sa mas 6. malalaking pamayanan?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.