Questions


August 2022 1 3 Report
1. Panimula Ang panimula ay naglalarawan ng tagpuan, panahon, at nagpapakilala sa mga tauhan sa kuwento. Dito rin nakasalalay ang kawilihan ng mambabasa kaya kadalasang ito ay ginagawang talagang kawili-wili. Aling bilang ang naglalahad ng panimula? Lagyan ng tsek (V) ang patlang. Noong unang panahon, may isang mangingisdang nakatira sa luag malapit sa lawa. Siya ay may dalawang anak na babae, sina Mangita at Larina. Namatay ang ama nina Mangita at Larina dahil sa isang malubhang sakit. Upang may maitustos sa mga pangangailangan, naguukit si Mnagita ng mga kabibe. 2. Tagpuan Ang tagpuan ay ang lugar at panahon kung kailan nangyari ang kuwento. Balikan ang kuwentong nabasa. Saan at kailan nangyari ang kuwento? Lagyan ng tsek (V) ang sagot. Luzon, noong unang panahon Visayas, noong unang panahon 3. Tauhan Ang mga tauhan ay ang mga tao, hayop, o iba pang nilalang na gumanap sa kuwento. Sino-sino ang tauhan sa kuwentong iyong binasa? Lagyan ng tsek (V) ang mga ito. Mangita Diwata Larina Larissa Ama Matandang Babae 4. Saglit na Kasiglahan Ang saglit na kasiglahan ay nagsasalaysay ng pagtatagpo ng mga tauhan sa kuwento. Aling pangyayari sa kuwento ang masasabi mong naglalahad ng saglit na kasiglahan? Lagyan ng (V) ang patlang. Ang pagkamatay ng kanilang ama Ang pagkakasakit ni Mangita Ang pagbabagong-anyo ng matandang babae Ang pagpaparusa kay Larina 5. Kasukdulan Ang kasukdulan ang nagpapahiwatig na malapit nang makamtan ng pangunahing tauhan o protagonista ang kalutasan ng kanyang suliranin. ang pinakakapana-panabik na bahagi ng kuwento. Aling pangyayari sa kuwento ang itinuturing mong kasukdulan? ng tsek (V) ang patlang. Ang paggaling ni Mangita Ang kaparusahan ni Larina Ang Pagkakasakit ni Mangita Ang pagbabalik ng matandang babae 6. Kakalasan Ang kakalasan ay ang nagsisilbing-daan papunta sa wakas. Ito ang naglalahad ng dahan-dahang pagbaba ng takbo ng kuwento. Piliin ang pangyayaring ngapapakita ng kakalasan ng kuwentong binasa. Lagyan ng tsek (V) ang patlang​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.