1. Paano mo maipapakita ang pakikiisa at pakikipagtulungan sa pasya ng grupo o pangkat? a. Sa pamamagitan ng pagpapatigil sa pasya ng nakararami. b. Sa pamamagitan ng pakikipagtalo sa pasya ng nakararami. c. Sa pamamagitan ng pagsang-ayon sa pasya ng nakararami. d Sa pamamagitan ng hindi pagsunod sa pasya ng nakararami. 2. Bilang kasapi ng pamayanan, ano ang dapat gawin kung may mga itinakdang pagpupulong ang inyong lider o Barangay Kapitan? a. Umalis sa inyong lugar sa araw ng pagpupulong. b. Dadalo at makikibahagi sa araw ng pagpupulong. c. Manatili sa bahay habang ginaganap ang pagpupulong. d. Itaon sa araw ng pagpupulong ang pamamasyal at paliligo sa dagat. 3. Ipinapatupad ng inyong lungsod ang pagpapanatili ng mga tao sa bahay sa araw ng Linggo dahil sa nararanasang pandemya. Alin ang dapat gawin ng mga mamamayan? a. Maagang pumunta sa dagat at doon magpalipas ng maghapon. b. Magpunta sa simbahan at doon manatili sa buong araw. c. Pumunta sa kamag-anak sa kabilang lungsod. d. Manatili sa loob ng bahay sa buong araw. 4. Inutusan ka ng tatay at nanay mong dumalo sa pagpupulong ng inyong barangay bilang representante ng inyong pamilya. Napansin mong ang iyong mga katabi ay maingay at hindi nakikinig, ano ang gagawin mo? a. Sutsutan mo sila at sabihing makinig kayo upang may maunawaan sa pinag-uusapan. b. Magalang mo silang sasabihan na making upang maunawaan ang pinag-uusapan. C. Bubulungan mo ang tagapagsalita na hindi nakikinig ang mga katabi mo. d. Sisigawan mo sila at sabihing, "Hoy makinig naman kayo!" 5. Nagkaroon ng panukala ang iyong barangay kapitan na magkaroon ng clean-up drive" sa darating na linggo na sinag-ayunan naman ng nakararami. Ano ang iyong magiging pasya? a. Magdadala ng gamit at makilahok sa gaganaping clean-up drive. b. Magpapakita lang at uuwi agad kapag walang may tumitingin. c. Pupunta ngunit makipagkuwentuhan lang sa kaibigan. d. Pupunta at sisilong lang sa mga lilim ng puno.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.