1. Nasira ang bahay ng kapitbahay nina Janna noong nagdaang bagyong Yolanda. Sila ay pinatira muna nila Janna sa kanilang bahay dahil naawa ito sa kanila. Anong kaugalian ang umiiral kay Janna?
A. ang pagkamatulungin ni Janna
C. pagpapakita ng malasakit sa kapwa
B. naging mapagkumbaba siya sa iba
D. pagiging mabait sa mga nangangailangan

2. Nagkasakit ang asawa ni Rina, wala silang trabaho kaya pansamantala silang pinatira sa bahay ng kaniyang biyenan upang maipagamot ang kanyang asawa. Aling katangian ang ipinakita ng kaniyang biyenan?
A. madasalin
B. matulungin
C. mapagkunwari
D. mapagkumbaba

3. Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya? Upang
A. maging matatag ang pamilya
B. maayos ang pagtrato sa bawat isa C. mapanatili ang respeto sa isa't isa D. magkakaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya

4. Tuwing Linggo hindi lumiliban ang pamilyang Malabanan sa pagsisimba. Anong kaugalian ang umiiral sa pamilyang Malabanan?
A. Walang kaguluhan sa pamilya.
B. Nanatiling masunurin ang pamilya.
C. Umiiral ang pagmamahalan sa pamilya. D. May matatatag na pananampalataya ang pamilya.

5. Ang mag-asawang Lorna at Lino ay matagal nang gustong magkaroon ng anak. Pumunta sila sa lugar ng Obando, Bulacan upang manalangin, sumayaw sa harap ng simbahan sa paniniwalang diringgin ang kanilang panalangin. Ano ang gustong iparating ng karanasan ni Lorna at Lino?
A. milagrong maituturing
B. may matatag na paniniwala
C. pagnanais nilang magkaroon ng anak
D. pagbibigay halaga sa pananampalataya​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.