Questions


November 2022 1 5 Report
1. Nagkasakit ang asawa ni Rina, wala silang trabaho kaya pansamantala silang pinatira sa bahay ng kaniyang biyenan upang maipagamot ang kaniyang asawa. Aling katangian ang ipinakita ng kaniyang biyenan?
A.Madasalin
B. Matulungin
C. Mapagkunwari
D. Mapagkumbaba

2. Alin sa mga sumusunod na kilos ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa mabuting nagawa ng isang kasapi ng pamilya?
A. Pag-aaksaya ng oras at panahon
B. Nagliliwaliw sa mga gustong lugar
C. Pagtangkilik ng mga mabubuting kilos D. Pagsasantabi ng tagumpay ng kasapi ng pamilya

3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng banta sa pagpapasya?
A. Maingat na paghuhusga
B. Pag-unawa sa kalagayan
C. Walang maayos na unawaan
D. Padalos-dalos sa paghuhusga

4. Alin sa mga kilos ang dapat isagawa upang maisabuhay ang pananampalataya sa pamilya? A. Pagsisimba kasama ang buong pamilya
B. Pagbalewala sa ibang miyembro ng pamilya C. Paggalang sa mga magulang at nakatatanda D. Paglalaro sa kalye kasama ang mga kaibigan

5. Alin sa sumusunod ang nararapat na mas pairalin na komunikasyon sa isang tahanan?
A. Consensual
B. Laissez-faire
C. Pluralistic
D. protective

6. Alin sa sumusunod ang nagsisilbing tagapag-ugnay ng bawat tao?
A. Komunikasyon
B. Koneksiyon
C. Komunidad
D. Pagmamahal

7. Anong papel ang ginagampanan ng pamilyang nagsusulong ng bayanihan sa isang lugar?
A. Pampolitikal
B. Pangkalusugan
C. Panlipunan
D. Pansimbahan

8. Ano ang kailangang matutunan ng tao para sa mabisang pakikipag-ugnayan sa lipunan?
A. Pagkikipag-usap
B. Pag-aaruga ng tao
C. Pagmamahal sa tao
D. Pakikipagkapwa-tao

9. Bakit kailangang pairalin ang pagmamahalan at pagtutulungan ng isang pamilya?
A. Upang maging matatag ang pamilya
B. Upang maayos ang pagtrato sa bawat isa C. Upang mapanatili ang respeto sa isa't isa D. Upang magkakaroon ng matiwasay na pagsasama ang pamilya

non_sense report​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.