Questions


September 2022 2 1 Report
1. Naghahanda na sa pagpasok sa paaralan si Ariel, nang siya’y paalis na nang bahay ay naalala niya na may takdang aralin pa siya na dapat gawin na kung saan ito ay kailangan na ipasa sa kanilang first period class. Kung ikaw si Ariel, ano ang iyong gagawin sa pagkakataong ito?
2. Pauwi na si Agnes mula sa huli niyang klase. Bilin ng kanyang ina ay umuwi agad ito ng bahay upang tumulong sa gawaing bahay. Nagkayayaan ang mga kaibigan niya na pumunta sa birthday ng kanilang kaklase. Ano ang gagawin mo sa pagkakataong ito kung ikaw si Agnes?
3. Si Mika ay panganay sa tatlong magkakapatid. Bilang panganay, siya ay madalas napagbibilinan ng kanyang nanay na tutulungan ang mga kapatid sa paggawa ng mga Learning Modules nila. Madalas ikaw ay maraming assignments at learning activities na ginagawa. Ano ang iyong gagawin sa pagkakataong ito?
4. Nagbigay ng Learning Tasks sa klase ang lahat ng inyong guro. Sa hindi maiiwasan na pagkakataon ay nagkasabay sabay ang petsa ng pagpapasa nito. Bilang isang mag-aaral, ano ang gagawin mo upang mapamahalaan ang sitwasyon na ito?
5. Isang araw habang ikaw ay naglalakad pauwi sa inyong bahay, may nakita kang nakahandusay sa kalsada at walang malay. Paglapit mo sa kaniya ay namukhaan mong siya ang kapitbahay mong si Aling Milagros na laging gumagawa ng tsismis sa iyong pamilya. Ano ang dapat mong gawin?

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.