1. May tinatapos kang takdang aralin hanggang hatinggabi. Upang hindi ka antukin ay linakasan mo ang radyo dahil ito lang ang makapagpapagising sayo. Lumabas ang nanay mo at sinabing hindi siya makatulog sa lakas ng radyo mo. Anong gagawin mo?

A. Mangangatwiran ako kay Nanay.

B. Papatayin ko na lang ang radyo at matutulog kahit di pa ako tapos.

C. Papatayin ang radyo at hahanap ng ibang paraan para di antukin hanggang sa matapos ang takdang aralin. 2. Pinagalitan ka ng iyong guro sa kasalanang di mo naman ginawa. Napahiya ka sa buong klase. Napag-alaman mo na isa pala sa iyong kaklase ang gumawa ng mali at ikaw ang itinuro nang tanungin sya ng iyong guro. Humingi siya

ng tawad sayo at nangakong ipagtatapat sa inyong guro ang totoo. Anong gagawin mo?

A. Sasabihin mo sa kanya na huwag nang mag-abala dahil nasira ka na rin sa iyong guro.

B. Aawayin sya nang husto dahil sa pagkapahiya mo sa klase. C. Pakikinggan ang paliwanag at suhestyon ng kamag-aaral.

3. Hinirang ka bilang lider ng inyong samahan. Napag-alaman mo na nag- aaway-away ang iyong mga miyembro dahil nais nilang ang panig ng bawat grupo ang masunod. Ano ang gagawin mo?

A. Kakausapin ko sila, pakikinggan ang bawat panig at gagawa kami ng desisyon na makabubuti para

sa lahat

B. Pababayaan ko silang mag-away-away. C. Tatanggalin ko sila sa grupo at papalitan na lang ng bagong myembro.

4. Uuwi na ang Lolo mo galing sa Amerika sa inyong bahay. Iminungkahi ng Ate mo na maglinis kayo ng kabahayan

dahil nakakahiya naman kung makalat at marumi ang inyong bahay. Nataon na may proyekto kang ginagawa at

malapit na ang petsa ng pasahan. Anong gagawin mo?

A Kakausapin si Ate na tutulong ka na lang pag natapos ka. B. Malinis ka at magdadabog sa iyong Ate.

C Lilipat ka muna sa inyong Lola sa kabilang bahay para matapos ang iyong ginagawa.

5. Napakahusay mo sa pag-awit ngunit ikaw ay mahiyain iminungkahi ng iyong guro na ikaw ay sumal sa mes paligsahan sa pag-awit upang lalo pang mahasa ang iyong kakayahan pero nahihiya kang humarap

sa mga tao ano

ang iyong gagawin? nO DR aking guro ngunit mag-eensayo pa ako nang mabuti,

ahl nya sa akin.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.