Opo, may tao akong ginusto ng lubos pero hindi niya ako ginusto ulit dahil may iba siyang gusto. Ninanais ko man na ako ay kaniyang gustuhin, ginawa ko lahat ng aking makakaya upang ako ay kaniyang magustuhan, ngunit ni-isa nito ay hindi gumana. Inaamin ko na ako ay nagseselos kapag may kausap siyang ibang babae, alam kong wala akong karapatan para magselos dahil hindi niya naman ako gusto at wala siyang pakialam sa akin, kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin. Para akong wala sa aking sarili kapag sinabi niya na kung sino ang kaniyang nagustuhan. Naiînis ako sa sarili ako at nawawalan ako ng kumpiyansa sa sarili. Maganda, matalino at may talento ang babaeng kaniyang nagustuhan, kaya pakiramdam ko, wala akong laban sa kaniya. Siguro hindi talaga siya para sa akin. Hindi pa ito ang huli, makakahanap pa ako ng lalaking gugustuhin at mamahalin ako habang buhay. Wala pa rin ako sa tamang edad upang makaramdam ng ganito o masaktan pa nga, kaya mas magandang masiyahan muna ako sa buhay ko, sa pagiging walang partner, at maging masaya at kûntènto kung anong mayroon ako.
2.) Kung meron, ilahad ang iyong pananaw kung bakit mo siya nagustuhan.
Nagustuhan ko siya dahil sa angkin niyang talino at talento. Gusto ko ang kaniyang ugali at siya ay mapagkumbaba sa kapwa niya. Tinuruan niya ng leksyon ang mga may galit sa kaniya, di siya nagmumura at di siya nagagalit sa mga taong galit sa kaniya. Di ko siya nagustuhan dahil lang sa kaniyang itsura, nagustuhan ko siya dahil sa kaniyang ugali at sa kaniyang angking talento at talino. Laging tandaan na ang panloob na kagandahan ay mas mahalaga.
Answers & Comments
Answer:
1. Oo, ginusto ko siya dahil mabait sya, matulungin din sya at nasa kanya na ang lahat ng katangian na taglay ng isang tao.
Explanation:
HOPE IT HELPS
TANONG AT KASAGUTAN:
1.) May taong ginusto kaba?
2.) Kung meron, ilahad ang iyong pananaw kung bakit mo siya nagustuhan.
#CarryOnLearning