Questions


December 2021 1 17 Report
1. May mga pakinabang sa pagtatanim ng mga halaman. Nakapipigil ito sa pagguho ng lupa at pagbaha. Nakapagbibigay din ng lilim at sariwang hangin. Naiiwasan ang polusyon at nakapagpapaganda rin ito ng kapaligiran. Higit sa lahat, maaari rin itong pagkakitaan. Pamagat:


2.Nakatutuwa at maipagmamalaki ang mga Larong Pinoy. Isa na rito ang patintero na nangangailangan ng liksi at bilis. Ito ay nilalaro ng dalawang koponan o pangkat na may parehong bilang ng kasapi. Ito ay kailangang laruin sa isang malawak na espasyo. Pamagat:


3.Maagang gumigising si Krysta upang ihanda ang mga kailangan niya sa kanyang online class. Sinisigurado niyang full charge ang kanyang gagamiting cellphone o laptop. Inihahanda niya rin ang kanyang modyul at sagutang papel. Nakaabang na siya sa ipapasang link ng kanyang guro. Ito ang mga ginagawa niya sa paghahanda sa kanyang online class. Pamagat:


4. Araw ng Sabado. Maagang gumising si EJ. Masayang-masaya siya ng araw na iyon dahil ngayon ay araw ng pahinga niya. Ito rin ang araw ng kanyang paglalaro dahil tapos na siya sa pagsagot sa kanyang modyul. Pamagat:


5. Ang mga halaman, katulad ng tao, hayop at iba pang bagay na may buhay ay kailangang alagaan upang maging malusog. Narito ang ilan mga paraan ng pangangalaga sa mga halaman:
1. pagbungkal sa lupa
2. pagdidilig
3. paglalagay ng abono o pataba
4. pag aalis ng mga tuyong dahon

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.