Questions


January 2022 2 2 Report
1. May isang computer shop na hindi kalayuan sa inyong paaralan. Madalas itong puntahan ng
mga mag-aaral dahil mura ang halaga ng paglalaro. Ano ang gagawin mo?
A. hindi makialam
B. ipagbigay-alam sa gurong tagapayo
C. sabihin sa iyong mga kaibigan na iwasang pumunta roon
D. sabihin sa iyong mga magulang upang maipabatid nila sa kinauukulan
2. May nag-aalok sa iyo ng trabaho sa isang pabrika ng paputok na may suweldong mahigit pa sa
baon mo. Sinabi niyang maaari kang umalis ng bahay niyo at magkunwaring pumapasok sa
paaralan at tumuloy sa pabrika. Ano ang gagawin mo?
A. magsabi ng “Hindi!” at iwasan ang tao
B. sabihin agad sa iyong guro o mga magulang
C. magpapasama ka sa iyong kaibigang pumunta sa pabrika
D. sabihan ang iyong mga kamag-aral na nangangailangan ng pera na sabay kayong
pupunta sa pabrika
3. May isang di kilalang tao ang lumapit sa iyo. Isinasama ka niya sa isang lugar at sinabing
magkakaroon ka ng lahat ng mga laruan at tsokolate na nais mo. Pero hindi mo dapat sabihin
kahit kanino, lalo na sa iyong mga magulang at guro. Ano ang gagawin mo?
A. hindi ko sasabihin kahit kanino
B. sumang-ayon at sumama sa tao
C. humingi ng pera bago sumama sa tao
D. ipaalam agad sa iyong guro o magulang
4. Ang Philippine Clean Air Act ay tungkol sa ______________.
A. pagpapanatili ng ecological diversity
B. pagkikilala sa kalinisan ng tubig para sa mamamayan
C. pananaliksik upang mapanatili ang biological diversity ng bansa
D. pagpananatili ng malinis at ligtas na hanging nilalanghap ng mga mamamayan ang
pagbabawal sa mga gawaing nagpapadumi sa hangin
5. Batas Pambansa 7638 ang Pagtatag ng Department of Energy (DOE) ay naglalayong _____.
A. ipagbawal ang mga gawaing nagpapadumi sa hangin
B. pagpapanatili sa natural at biological physical diversities
C. mapanatili at masuportahan ang buhay at pag-unlad ng tao
D. isaayos, subaybayan at isakatuparan ang mga plano at programa ng pamahalaan sa
eksplorasyon, pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya
12
6. Sino ang ministrong Baptist na nanguna sa pakikipaglaban sa karapatang sibil sa Amerika?
A. Apolinario Mabini C. Luther King Jr.
B. Kesz Valdez D. Pedro Calungs
7. Siya ay isang madre na nagpapalaganap ng pagmamahal ng Diyos sa pamamagitan
ng pagtulong sa mga pinakamahirap sa Calcutta, India.
A. Francisca Reyes Aquino C. Malala Yousafzai
B. Jeronima de la Asuncion D. Mother Teresa
8. R.A. 9003 (Ecological Solid Waste Management Act of 2000) ay naglalayon para sa
____________.
A. pagpapanatili ng malinis na hangin
B. tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng mga solid waste.
C. pagpaplano ng mga pangmatagalang pamamaraan upang epektibong mawaksi ang mga
sanhi ng maduming hangin.
D. pagsasakatuparan ng mga plano at programa ng pamalahan sa eksplorasyon,
pagpapaunlad at konserbasyon ng enerhiya
9. Sa paanong paraan mo maipakita ang pagtupad sa mga batas para sa kaligtasan sa kalsada?
A. Si Oscar ay tumatakbo habang tumatawid.
B. Si Roy sumasabay sa mga taong tumatawid.
C. Si Anghel gumagamit ng “Sky Walk” sa pagtawid sa kalsada.
D. Si Pedro nakikipagpatintero sa mga sasakyan habang tumatawid.
10. Alin sa mga sumusunod na batas ang tukma sa RA 9147?
A. pagdedeklara ng National Park.
B. konserbasyon at pagbibigay ng proteksyon sa maiilap na hayop.
C. tamang paraan ng pangongolekta at pagbubukod-bukod ng basura.
D. pagkakaroon ng regulasyon sa pangongolekta at pangangalakal ng maiilap na hayop.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.