Questions


December 2022 1 2 Report
1. Maraming dahilan kung kaya binuksan ang Suez Canal sa pandaigdigang kalakalan
noong ika-17 ng Nobyembre 1869. Ano ang pangunahing dahilan kung kaya ito ay
binuksan?
A. Upang mapadali ang pag-angkat ng produkto sa mga kolonya ng Europa
B. Upang mapalawak ang ugnayan ng Europa sa ibang bansa
C. Upang mapaunlad ang bansa sa larangan ng politika
D. Upang turuang mag-alsa ang mga Pilipino

2. Paano nakaimpluwensiya sa pananaw at kaisipan ng mga Pilipino ang pagbitay ng
mga Espanyol sa tatlong paring martir na tinatawag na Gomburza?
A. Namayani ang takot sa mga Pilipino kung kaya pinili na lamang nilang manahimik
B. Naghimagsik ang mga mahihirap na Kristiyano laban sa mga Espanyol kaya
sumiklab ang malawakang pag-alsa.
C. Itinuring na bayani ang tatlong paring martir kung kaya napukaw ang kanilang
damdaming nasyonalismo.
D. Nawalan ng tiwala ang mga Pilipino sa kaparian at simbahan dahil sa kawalan nila
ng aksiyon sa karahasan.

3. Alin sa mga sumusunod ang layunin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato?
A. Itago sa lahat ang mga anomalya sa pamahalaan
B. Itigil ang labanan para sa ikatatahimik ng bansa
C. Ibigay na ang kalayaang hinihingi ng Pilipinas
D. Ituloy ang labanan kahit may kasunduan

4. Bakit mahalaga si Andres Bonifacio sa kasaysayan ng kalayaan ng bansa?
A. Itinatag niya ang Katipunan C. Naging mabuti siyang katipunero
B. Ipinanalo niya ang himagsikan D. Naging inspirasyon siya sa mga Pilipino
5. Mahalagang bahagi ang ginampanan ni Emilio Aguinaldo sa pagdedeklara ng
kasarinlan ng mga Pilipino. Saan at kalian ito isinagawa?
A. Hunyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite C. Hulyo 12, 1898 sa Kawit, Cavite
B. Hunyo 28, 1898 sa Kawit, Cavite D. Hulyo 4, 1898 sa Kawit, Cavite

6. Marami sa ating mga dakilang bayani ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa ating
bansa? Sa anong dahilan?
A. upang balang araw ay makilala sila ng mga kabataan
B. upang mailathala ang kanilang pangalan sa mga aklat
C. sapagkat tungkulin talaga nilang ipagtanggol ang ating bansa
D. upang matamo ng ating bansa ang kalayaan laban sa mga dayuhang mapang-api

7. Ano ang itinatag agad ng mga Amerikano upang tanggapin ng mga Pilipino ang pananakop sa ating bansa?
A. Patakarang Homestead C. Patakarang Panlipunan
B. Patakarang Kooptasyon D. Patakaran ng Pamahalaan

8. Bakit hindi gaanong nakinabang ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa mga Amerikano?
A. Dahil hindi naibigan ng mga Amerikano ang produkto ng mga Pilipino.
B. Dahil tumanggi ang mga Pilipino sa pakikipagkalakalan sa mga Amerikano.
C. Dahil kontrolado ng Amerikano ang pamamalakad sa ekonomiya ng Pilipinas.
D. Dahil mataas ang buwis na ipinataw ng Amerikano sa kalakal ng mga Pilipino.

9. Paano naapektuhan ng colonial mentality ang pamumuhay sa bansa?
A. Naging malaya sa pagtangkilik sa kahit anong produkto.
B. Ibinenta ang mga produktong gawa sa Pilipinas sa mga dayuhan.
C. Higit na tinangkilik ang mga produkto ng Amerikano kaysa Pilipino.
D. Higit na tinangkilik ang sariling produkto sa Pilipinas kaysa sa mga banyaga.

10. May mga patakaran at batas na ipinatupad ang mga Amerikano na sumupil sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino. Alin sa sumusunod ang hindi kabilang?
A. Batas Sedisyon B. Batas Reconsentrasyon
B. Patakarang Pilipinisasyon D. Batas bandila at makabayang organisasyon.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.