Questions


October 2022 1 1 Report
1. Mahalaga na may wastong kaalaman tayo sa pag-aalaga ng mga isda para dumami at maging malusog ang mga ito. Anu-ano ang mga dapat mong isaalang-alang sa pag-aalaga nito? *

A. klima at lugar
B. klima at lokasyon,
C. paglalagyan ng isda at badyet
D. lokasyon, paglalagyan ng isda at badyet.

2. Si Mario ay nag-aalaga ng isda sa likuran na kanyang bahay. Naging maganda ang paglaki ng mga ito dahil sa wastong pamamaraan na ginagawa niya sa pag-aalaga nito. Ano sa palagay mo ang mga kabutihang maidudulot nito sa pamumuhay ni Mario at ng kanyang buong mag-anak? *

A. mapapaunlad ang pamumuhay nila dahil nakapagbibigay ito ng panustos, dagdag kita sa buong mag-anak at sila ay nalilibang sa gawaing ito.
B. sagana ito sa protina na kailangan ng ating katawan at maaaring mapagkakikitaan.
C. makapagbibigay ito ng pagkain at nakatatanggal ng stress.
D. maaaring karagdagang kita ng buong mag-anak.

3. Kung ang layunin mo sa pag-aalaga ng manok ay ang makapagbenta ng maraming itlog, Anong uri ng manok ang mainam mong alagaan upang magbigay ng maraming itlog? *

A. australorp
B. broiler
C. native na manok
D. white leghorn

4. Si Aling Nena ay may malawak na bakuran at nais niyang mag-alaga ng hayop na mainam na mapagkuhanan ng karne. Anong uri ng mga hayop na nabanggit sa ibaba ang mainam niyang alagaan? *

A. australorp
B. broiler
D. itik
C. white leghorn

5. Ang isda ay isa sa madalas inihahain sa hapag-kainan ng bawat pamilyang Pilipino, isa na rito ay ang tilapia kaya marami sa ngayon ang nag-aalaga nito. Bakit mainam alagaan ang isdang tilapia? *

A. Nabubuhay ang isdang tilapia sa kahit saang uri ng anyong tubig. Nakakatulong din ito sa pagpuksa ng mga peste at insekto sa kapaligiran.
B. Ang tilapia ay madaling alagaan sa likod ng bahay at maaaring pakainin ng mga tira-tirang pagkain tulad ng kanin at mga pira- pirasong tinapay.
C. Ang tilapia ay napaka bilis lumaki at madali lamang alagaan. Isa din ito sa mga isda na mabenta sa pamilihan dahil mura na, masustansiya pa.
D. Ang tilapia ay nabubuhay sa tubig-tabang at tubig-alat ng mga pook na tropikal.

6. Si Mario ay isa sa mga naapektuhan ngayong panahon ng pandemya kung kaya siya ay nagsisimulang mag-alaga ng hayop upang matustusan ang kanilang pangangailangan.Bilang baguhan sa larangang ito, kailangan niyang sundin ang mga ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin sa pag-aalaga ng hayop. Bakit mahalagang sundin ang mga kasangkapan at kagamitan sa pag-aalaga ng hayop? *

A. Upang mabigyan ng angkop at masustansyang pagkain ang mga alagang hayop.
B. Upang mapanatiling malinis ang mga kasangkapan tulad ng kulungan, patubigan at maiwasanang parasitiko na nagiging sanhi ng sakit.
C. Upang alagaan at mahalin ang mga alagang hayop.
D. Upang maging malinis ang mga kasangkapang gagamitin at maiwasan ang anumang sakit na dumapo sa alagang hayop.

7. Ang paggawa ng wasto at angkop na talaan ng kagamitan sa pag-aalaga ng hayop ay mahalaga upang maisagawa ito ng maayos. Paano natutulungan ng talaan ng mga kasangkapan at kagamitan ang taga-pag-aalaga ng mga hayop? *

A. Natutulungan sila sa paghahayupan.
B. Natutulungan sila sa pag-unlad sa pag-aalaga ng mga hayop.
C. Natutulungan sila upang maging maganda ang paglaki ng mga hayop.
D. Natutulungan sila upang maibigay ang wastong pangangailangan ng mga alagang hayop, maayos na paglaki at maging matagumpay sa kanilang layunin.

8. Bilang mag-aaral sa ika-limang baitang, bakit mahalaga na matutuhan mo ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng mga hayop? *

A. upang maging maunlad sa larangan ng paghahayupan.
B. upang magkaroon ng karagdagang kita at may pagkakaabalahan.
C. upang magamit natin ang kaalaman sa pag-aalaga ng hayop at maging maganda ang paglaki ng mga hayop.
D. upang magkaroon ng wastong kaalaman tungkol sa pag-aalaga ng mga hayop at maging matagumpay sa anumang layunin sa paghahayupan.

9. Nais ni Jose na mag-alaga ng hayop upang makatulong sa pangangailangan ng kanyang mga magulang. Paano niya isasagawa ang wastong pamamaraan sa pag-aalaga ng hayop tulad ng kalapati, pugo at iba pa? *

A. bigyan sila ng magandang tirahan.
B. bigyan sila ng masustansyang pagkain at iba pang pangangailangan ang mga alagang hayop.
C. bigyan sila ng angkop na pagkain, maayos na kulungan at alamin ang paraan sa pag-aalaga nito.
D. Bigyan ng sapat na liwanag at bentilasyon ang kanilang kulungan, tamang paraan ng pagpapakain, kalinisan, kaayusan at maaliwalas na lugar.

10. Ang pugo ay isang uri ng ibon sa Pilipinas na madaling alagaan at paramihin kaya marami ang nag-aalaga nito. Anong uri ng pagkain ang maaaring ipakain sa batang pugo? *

A. starting mash
B. growing mash
C. laying mash
D. hog mash

NOTE:MATINO SAGOT ONLY KUNG HINDI KAKALTUKAN KO KAYO SA PUYO

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.