1. Kailan isinulat ni Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo? Bakit ipinagpatuloy pa niya ang pagsulat nito gayong ang mga makapangyarihang Kastila lalo na ang mga prayle ay kumakalaban sa kaniya at sa kaniyang aklat?
Kailan isinulat ni Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo? Bakit ipinagpatuloy pa niya ang pagsulat nito gayong ang mga makapangyarihang Kastila lalo na ang mga prayle ay kumakalaban sa kaniya at sa kaniyang aklat? [Dagdag kaalaman ang sagot sa tanong na "bakit isinulat ang akda sa wikang Kastila imbis na sa wikang Tagalog?".]
Isinulat ni Jose Rizal ang nobelang El Filibusterismo sa taong 1887 ng Oktubre at natapos noong ika-dalawangpú't siyam ng Marso, taong 1891. Nakasulat ang aklat sa wikang Kastila sapagkat nais niyang maging epektibo ang pagkalat nito hanggang sa makaabot sa internasyonal na komunidad ang hinaing ng kaniyang mga kababayan. Hindi nga siya nabigo sa kadahilanang nailathala na rin ang kaniyang akda sa iba't ibang wika.
Ipinagpatuloy niya ang pagsulat ng El Filibusterismo para maging inspirasyon ang akdang ito sa maraming Pilipino na mag aklas at lumaban sa mga dayuhang Kastila. Para na rin mamulat ang mga Pilipino sa kasamaan, kasakiman at maling gawain ng mga Espanyol kasama na rito ang mga prayle. Sa katatagan pa lamang ng loob ni Rizal, maiimplwensiyahan niya talaga ang ibang tao, hindi niya ininda ang takot na maisulat ang kaniyang aklat sa wika ng kalaban dahil nais niyang ipakita na handa siyang makipaglaban sa mga ito gamit ang mga makapangyarihang salita. Naipamalas rin ni Jose Rizal na mas matalas at mas makapangyarihan ang kanyang mga akda at idolohiya kumpara sa mga sandata ng mga Kastila.
Ngunit ang nais sanang mangyari ni Rizal ay mapayapang assimilation o pagsama ng bansa sa Espanya sa pamamagitan na pagiging estado ng nito, hindi niya ninais na magkaroon ng rebolusyon. Sa kasamaang-palad, hindi ito nangyari. Kung titignan naman ang positibong balik ng nangyari sa kasaysayan, maigi na ring hindi tayo naging isa o naging parte man lang ng Espanya. Tayo ay nakalaya na rin sa kamay nila matapos ang paghihirap ng ating mga kababayan sa kanilang pananakop.
Answers & Comments
Verified answer
JOSE RIZAL - EL FILIBUSTERISMO