Questions


December 2022 1 1 Report
1. Ito ay tumutukoy sa kahandaan at pagnanais na magsagawa ng
tungkulin at pananagutan para sa ikabubuti ng pamayanan.
A. Pagkilos na Sibiko
B. Kagalingang Pansibiko
C. Kamalayang Pansibiko
D. Kahalagahan ng Gawaing Pansibiko
2. Nakita mong tumatawid sa kalsada ang isang matanda. Ano ang
gagawin mo?
A. Kawayan ang matanda.
B. Pabayaan siya at huwag pansinin.
C. Sabihan siya na mag-ingat sa pagtawid.
D. Maghanap ng makakatulong niya sa pagtatawid ng daan.
15
3. Ano ang epektong naidudulot ng gawaing pansibiko sa bansa?
A. maibigay ang mga luho sa bawat mamamayan
B. mapaunlad ang kabuhayan ng mga mamamayan
C. mapabilis ang proseso ng pagpunta sa ibang bansa
D. matugunan ang pangangailangan ng mga mambabatas
4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may tamang
saloobin sa paggawa?
A. palaging magreklamo sa gawain
B. magpahinga sa oras ng trabaho
C. ipagpaliban ang paggawa ng gawaing bahay
D. magtrabaho ng maayos at may dedikasyon
5. Ano sa palagay mo ang dapat gawin ng mga magulang sa
natatanggap na pera mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino
Programa o 4P’s?
A. Ipangsusugal ito.
B. Ipambabayad ito sa utang.
C. Ipambibili ito ng mga kagamitan sa bahay.
D. Gagamitin sa pagpapaaral at pagpapagamot sa mga anak.
6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang makakatulong sa pag
unlad ng sarili?
A. Laging huli sa pulong si Cristina.
B. Bata pa lamang si Inso ay sakitin na.
C. Kahit kailan di nabisita ni Jing ang kanilang silid-aklatan.
D. Nagsasanay nang mabuti si Matet sa paglangoy upang
makasali sa Pambansang Koponan.
7. Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng sariling kakayahan at
kasanayan?
A. Naipakikita ang tunay na kagitingan.
B. Nakakaambag ito sa kaunlaran ng bansa.
C. Natatamasa ang mga pansariling hangarin.
D. Nakakaapekto sa pag-unlad ng banyagang pamahalaan.
16
8. Paano ka makatutulong sa wastong pangangalaga sa mga
likas na yaman ng iyong pamayanan?
A. Ilalagay ko ang aking basura kahit saan.
B. Aalagaan ko at pagyayamanin ang halaman sa aming
bakuran.
C. Titingnan ko lang ang batang nagtapon ng basura sa
tabing-dagat.
D. Babalewalain ko ang anumang napag-aralan namin
tungkol sa kalikasan.
9. Paano mo mapanatiling malusog ang iyong katawan upang
makatulong sa pag-unlad ng bansa?
A. Maglaro ng “ML” hanggang magdamag.
B. Mag-ehersisyo kung kailan nais gawin ito.
C. Kumain ng masustansiyang pagkain upang maging
produktibo.
D. Gumamit ng ipinagbabawal na gamot para mapalakas ang
katawan.
10. Ang mga sumusunod ay mga paraan na dapat itaguyod ng mga
mamamayan para sa pambansang kaunlaran maliban sa isa.
A. pagiging produktibo
B. pagmamahal sa bansa at sa kapuwa Pilipino
C. paglinang ng sariling katalinuhan at kakayahan
D. pagpapatuloy ng katiwalian at maling gawain sa
pamahalaan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.