Questions


September 2022 1 0 Report
1. Ito ay tumutukoy sa disiplinadong pag-iisip ng malinaw, makatuwiran, bukas ang isip, may kaukulang ebidensya at may pagtimbang ng impormasyon bago makuha ang isang sagot o desisyon. A. malikhaing pag-iisip B. mapanuring pag-iisip C. pagkabukas ng isipan D. pagsusuring personal 2. Ang mga sumusunod ay palatandaan ng taong nagsusuri ng mga bagay na may kinalaman sa kanyang sarili, maliban sax A. Bukas ang isipan sa makatwirang opinyon ng iba B. May kaalaman sa kanyang kalakasan at kahinaan C. Tinitimbang ang mga posibleng opsyon o solusyon D. Madaling makabuo ng desisyon sa bawat sitwasyon 3. Ito ay isang proseso na nagbibigay-daan upang higit mong maunawaan kung sino ka, ano ang iyong mga pagpapahalaga, kung bakit ganyan kang mag-isip at kumilos at nagbibigay-daan upang maiayon mo ang iyong buhay sa kung ano ang nais mong mangyari. A. pagsusuring personal B. malikhaing pag-iisip C. mapanuring pagsusuri D. pagkabukas ng isipan 4. Bakit mahalaga ang kakayahang magsuri ng mga pangyayari sa pagbuo ng desisyon? A. Nakakatulog ka ng mahimbing B. Nakikilala mo ang iyong mga pagpapahalaga C. Nabibigyang-linaw ang mga pangyayari batay sa tamang katwiran. D. Hindi kailanman nakakaranas ng anumang uri ng pagkabalisa at pag-aalala. 5. Ano ang magagawa mo kung ikaw ay nais magpatuloy mag-aral subalit kailangan mong huminto dahil sa kakulangan ng pera? 1. Huminto na lamang at tulungan ang pamilya na kumita ng pera II. Kausapin ang gurong tagapayo at ikwento ang iyong kalagayan. III. Pilitin ang kapamilya na ikaw ay tustusan sa pag-aaral sapagkat huling taon mo na sa elementarya. IV. Alamin ang mga kakayahan o kasanayang taglay na maaaring magamit upang makatulong sa pamilya. V. Suriing mabuti ang iyong sitwasyon at humanap ng ibang alternatibo upang maipagpatuloy ang pag-aaral. A. I, II, at III B. II, IV, at V C. II, III, at V D. III, IV, at V​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.