Questions


September 2022 1 1 Report
1. Ito ay nagmula sa salitang Latin na pater na ibig sabihin ay “ama” na karaniwang
iniuugnay sa salitang pinagmulan o pinanggalingan o lupang sinilangan.
a. Nasyonalismo c. Sosyalismo
b. Patriyotismo d. Komunismo
2. Ito ay tumutukoy sa mga ideolohiyang pagkamakabayan at damdaming
bumibigkis sa isang tao at sa iba pang may pagkakaparehong wika, kultura, at
relihiyon na kung saan tuwiran nitong binibigyang kahulugan ang kabutihang
panlahat.
a. Nasyonalismo c. Sosyalismo
b. Patriyotismo d. Komunismo
3. Ang pagmamahal sa bayan o patriyotismo ay nagmula sa salitang Latin na pater
na ibig sabihin ay “ama” na karaniwang iniuugnay sa salitang _______.
a. pinagbatayan c. pinagmulan
b. pinagkopyahan d. pinagbasehan
4. Ano ang kahulugan ng salitang “pater” na nagmula sa salitang Latin?
a. kapatid c. ina
b. ama d. anak
5. Ang pagmamahal sa bansang sinilangan ay naipapakita sa pamamagitan ng
pagmamahal sa sariling kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan. Ang pahayag na
ito ay:
a. Mali, dahil hindi naman ang kailangang mahalin ang kultura upang
matutunang mahalin ang bayan.
b. Tama, dahil ang kultura, tradisyon, at pagkakakilanlan ay siyang bumubuo sa
isang bayan.
c. Mali, dahil magkaiba ang ating kultura, tradisyon, at pagkakilanlan.
d. Tama, dahil walang bayan na walang pagkakilanlan.
6. Sa tuwing tumutugtog ang Pambansang Awit sa paaralan nila Juan Peter ay
humihinto siya sa kahit anumang gawain upang magbigay pugay. Ang sitwasyon
ay nagpapakita ng ___________.
a. nasyonalismo c. patriyotismo
b. sosyalismo d. demokrasya
7. May mga angkop na kilos na ipinapakita ang mga taong Pilipino sa ibaba, ngunit
may isa na hindi angkop at di matatawag na nagmamahal sa bayan. Ito ay ang
__________________.
a. pag-awit ni Manuel sa Pambansang Awit nang may paggalang at dignidad.
b. pagkalinga at pagpapahalaga ni Mang Ben sa kanyang pamilya at salinlahi.
c. negosyanteng si Aling Marta na nagtago ng kanilang paninda upang lumakas
ang demand sa produkto ng bansa.
d. paglalakbay at pamamasyal ng pamilya ni Carmen sa mga museyo ng sariling
bayan kaysa pumunta sa ibang bansa.
8. Ito ay ang pagbibigay sa tao kung ano ang karapat-dapat na para sa kanya na
hindi nagmamalabis o nandaraya sa kapwa.
a. Kapayapaan c. Paggalang
b. Katarungan d. Kaayusan
9. Ito ay tumutukoy sa pagiging organisado ng ideya, salita, at kilos na may layuning
mapabuti ang ugnayan sa kapwa.
a. Kapayapaan c. Katarungan
b. Hustisya d. Kaayusan
10.Ang pagiging matiyaga na tapusin ang anumang uri ng gagawin gamit ang
talento at kahusayan nang buong husay at may pagmamahal.
a. Kasipagan c. Katarungan
b. Kahusayan d. Paggalang

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.