Questions


October 2022 1 1 Report
1. Ito ay isang repleksyon ng buhay na nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan,
mga damdamin, mga karanasan, hangarin at diwa ng mga tao.
A. Panitikan B. Pabula C. Balita D. Alamat
2. Ito ay tumutukoy sa mga sulatin o katha na may katotohanan at may batayan
ang impormasyon. Hindi ito gawa-gawa o bunga lamang ng imahinasyon.
A. Pabula B. Kathang Isip C. Di-Kathang Isip D. Alamat
3. Ang mga sumusunod na teksto ay mga halimbawa ng di-kathang isip, MALIBAN
sa.
A. Ang Talambuhay ni Andres Bonifacio C. Si Josefa Llanes Escoda
B. Si Apolinario Mabini D. Si Pagong at Si Matsing
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat makasama sa pangkat ng mga teksto?
A. Ang Buhay ni Jose Rizal C. Ang Sulat mula sa Sto. Papa
B. Ang Puno ng Buhay D. Ang Talambuhay ni San Juan Bosco
5. Ang “Mensahe ng Sto. Papa sa mga Tao ngayong COVID-19” ay uri ng tekstong
__________.
A. Pabula B. Kathang Isip C. Di-Kathang Isip D. Alamat
6. Ito ay tumutukoy sa mga sulatin o katha na nilikha lamang ng isipan at walang
katotohanan ngunit maaring magbigay ng gintong butil ng kaisipan.
A. Balita B. Di-Kathang Isip C. Editoryal D. Kathang Isip
7. Ang mga sumusunod na teksto ay mga halimbawa ng Kathang Isip, MALIBAN
sa.
A. Alamat ng Mangga C. Si Heneral Gregorio del Pilar
B. Ang Langgam at Tipaklong D. Si Kuneho at Si Pagong
8. Ang “Alamat ng Araw, Buwan, at Bituin” ay uri ng tekstong __________.
A. Balita B. Editoryal C. Kathang Isip D. Di-Kathang Isip
9. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa tekstong kathang isip?
A. Naglalahad ng tunay na pangyayari.
B. Naglalahad ng kathang may kababalaghan o pantasya.
C. Nagpapakita ng paksang nakikita sa mga aklat, sining, telebisyon, pelikula,
at tanghalan.
D. Nagpapakita ng makatotohanang pagbabalangkas ng mga maaaring maging
mga kaganapan sa hinaharap na ibinatay sa nakalipas at kasalukuyan.
10.Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa tekstong di-kathang isip?
A. Naglalahad ng tunay na pangyayari.
B. Naglalahad ng kathang may kababalaghan o pantasya.
C. Naipakikita ang mga pangyayaring hindi maaaring mangyari.
D. Nailalahad ang bunga ng malikhaing imahinasyon ng sumulat.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.