Questions


October 2021 2 13 Report
1. Ito ay gawaing pamproduksiyon at serbisyong may kinalaman sa paghahalaman, paghahayupan,
pangingisda at paggugubat.

A. Agrikultura B. Korporasyon C. Industriya D. Paglilingkod

2. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sector ng agrikultura?

A. Paggugubat B. Paghahayupan C. Pagmimina D. Pangingisda

3. Maraming mga salik ang maaaring makatulong sa isang bansa upang umangat ang ekonomiya nito,
maliban sa:

A. Kalakalan B. PaglalakbayC. TeknolohiyaD. Yamang-Tao

4. Ayon sa aklat ni Feliciano R. Fajardo ito ay isang progresibo at aktibong proseso.

A. Kapital B. Pag-unlad C. Pananaw D. Politikal

5. Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng
lupa ay ipinatalang lahat.

A. Atas ng Pangulo Blg. 2 ng 1972 C. Land Registration Act ng 1902
B. Agricultural Land Reform Code D. Public Land Act ng 1902

6. Isa ang korapsyon sa itinuturong dahilan ng kahirapan ng bansa. Paano kumikilos ang mga Pilipino upang
labanan ang hamong dulot nito?

A. Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa.
B. Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon kaya’t ipinaglalaban nila kung ano ang
tama at nararapat.
C. Idinadaan nila sa samu’t-saring rally at protesta ang kanilang mga saloobin ukol sa talamak na
korapsyon sa bansa.
D. Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang mga hukuman ang umusig sa
mga tiwaling opisyal ng gobyerno.

7. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon din tayong dapat gawin upang makatulong sa
pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?

A. Tangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino.
B. Maging mapagmasid sa mga nangyari sa lipunan.
C. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa konunidad.
D. Lahat ng nabanggit

8. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng konsepto ng kaunlaran?

A. Sa mga OFWs lamang nabubuhay ang ekonomiya ng bansa.
B. Hindi ganap na maipakikita ng paglago ng ekonomiya ang pag-unlad ng bansa.
C. Isang mabisang sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyon na panukat gaya ng GDP.
D. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay nangangahulugan rin ng pagtaas ng kalidad ng
pamumuhay ng mga mamamayan.

9. Ang madaling pagkasira ng mga produktong agrikultura ang isa sa mga pangunahing suliraning
kinakaharap ng sector ng agrikultura. Ano ang dahilan nito?

A. Kawalan ng mga konsyumer sa pamilihan
B. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.
C. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
D. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market road)

10. Bakit mahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka?
A. Nagkakaroon ng sariling luapng sakahan ang mga magsasaka.

B. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sector ng agrikultura.
C. Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng maayos na sistema ng pautang, mga
proyektong pang-imprastruktura, redistribusyon ng lupa, at iba pa.
D. Lahat ng nabanggit

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.