1. Ito ay bahagi ng pananalita na ginagamit na panghalili sa pangngalan. *
1 point
A. panghalip
B. pangngalan
C. pang-uri
D. pandiwa
2. Ang salitang ako, kami, sila, tayo, ikaw ay mga halimbawa ng panghalip _____________ .
1 point
A. pananong
B. panao
C. pamatlig
D. panaklaw
3. ________ ka muna magpalipas ng oras para makapagkuwentuhan tayo nang matagal. Alin ang tamang panghalip upang makumpleto ang diwa ng pangungusap?
1 point
A. Dito
B. Ito
C. Doon
D. Heto
4. ________ ang ginagawa mo sa mga araw na walang pasok? Anong salita ang dapat ilagay sa unahan ng pangungusap? *
1 point
A. Ilan
B. Ano
C. Sino
D. Alin
5.___________ dako ng mundo, pagmamahal ang kailangan ng bawat tao. Aling salita ang dapat ilagay sa unahan ng pangungusap? *
A. Anuman
B. Sinuman
C. Alinman
D. Saanmang
6.Ang pulis, sundalo, doktor at nars ay tinatawag na bayani sa panahon ng pandemya. Anong uri ng pangngalan ang mga salitang nakasulat nang pahilis?
1 point
A. likas
B. Pantangi
C. pambalana
D. lansakan
7. Nagbigay ng mensahe ang pangulo para sa pagdiriwang ng ika122 ARAW NG KALAYAAN. Anong uri ng pangngalan ang salitang nakasulat sa nalaking titik?
1 point
A. pambalana
B. lansakan
C. Pantangi
D. likas
8. Ito ay tumutukoy sa tiyak at tanging ngalan ng tao, lugar, bagay, hayop, lugar at pangyayari.
1 point
A. pantangi
B. pambalana
C. lansakan
D. likas
9. Ang Nena’s Sari-Sari Store lamang ang tanging bukas na tindahan sa aming lugar noong panahon ng pandemya. Alin sa sumusunod na pangalan ang pangngalang pantangi?
1 point
A. Nena’s Sari-Sari Store
B. lugar
C. tindahan
D. pandemya
10. Ito ay komunikasyon para sa isang tiyak na taong patutunguhan nito.
1 point
A. liham
B. tula
C. kwento
D. balita
11. Binubuo ito ng tirahan ng sumulat o pinagmulan ng liham. Narito rin ang petsa kung kailan ginawa ang liham.
1 point
Bating Panimula
Pamuhatan
Katawan ng Liham
Bating Pangwakas
12 Ito ang magalang na pagpapaalam ng sumulat sa pinagdalhan ng liham. Makikita nito ang relasyon ng sumulat sa sinulatan. Ginagamitan din ito ng kuwit.
1 point
Bating Panimula
Pamuhatan
Katawan ng Liham
Bating Pangwakas
13. Sa bahaging ito nakasaad ang mensahe o layunin ng pagpapadala ng liham. Maaring mahaba o maikli, depende sa nilalaman o intensiyon ng nagpadala ng liham.
1 point
Bating Panimula
Pamuhatan
Katawan ng Liham
Bating Pangwakas
14. Ito ang pagbati sa pagdadalhan ng liham. Ginagamitan ito ng kuwit pagkatapos ng pangalan.
1 point
Bating Panimula
Pamuhatan
Katawan ng Liham
Batang Pangwakas
15. Nakasaad dito ang pangalan ng sumulat. Maaaring gamitin ang palayaw ng sumulat kung ang sinulatan ay kakilalang lubos.
1 point
Lagda
Pamuhatan
Katawan ng Liham
Batang Pangwaksa​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.