Questions


October 2022 1 12 Report
1. Isang uri ng pagtatalo o debateng patula na karaniwang ginaganap sa entablado ng mga mambibigkas kung nagkakaroon ng mga pagdiriwang.
A. Batutian
B. Balagtasan
C. Crisotan
D. Bukanegan

2. Sila ang karaniwang gumaganap sa pagtatanghal ng balagtasan

A. lakandiwa at makata
B. mga makatang nagtatalo
C. lakandiwa at lakambini
D. lakandiwa at dalawang makata

3. Siya ang unang naging "Hari ng Balagtasan".
A. Jose Corazon de Jesus
B. Amado V. Hernandez
C. Florentino Collantes
D. Rafael Olay

4. Bakit ipinagbawal ng arsobispo ng Manila ang pagtatanghal sa karagatan?

A. dahil ito ay sinasabing gumagamit ng sapat na oras upang maitanghal
B. dahil may mga pananalita ito na labag sa kautusan ng relihiyosong Katoliko
C. dahil hindi ito sinusunod ang mga tuntuning inilabas ng simbahang Katoliko
D. dahil naging maselan ang mga paksang pinag-uusapan dito

5 . Bakit kinakailangang kanya-kanya ang pagkasulat ng bawat halimbawa ng pinagtatalunan?

A. dahil kung isa lang ang susulat halos tinitimbang nang mabuti sa kabuuan ng pagbibigay-katwiran niya sa bawat halimbawa.
B. dahil mahihirapan ang mambabalagtas kung siya lang ang susulat.
C. dahil magkakaroon ng pagpapalagay na isang halimbawa ng kanyang nakahihigit kung isa lamang ang susulat.
D. dahil hindi magiging pantay ang pagtingin sa kanya sa halimbawa ng kanyang isinulat.

6. Aling pangungusap ang may pandiwang nasa aspektong komtemplatibo?

A. Maigi niyang ginawa ang kanyang proyekto.
B. Napag-aralan na namin ang karunungang-bayan noong nakaraang buwan.
C. Hahayaan mo na lang na lalait-laitin ka?
D. Lagi kong sinusunod ang pangaral ng aking mga magulang

7. Ano ang ikinaiiba ng balagtasan sa karaniwang pagtatalo?

A. Patalata ang pagkakasulat ng karaniwang pagtatalo.
B. May indayog, sukat at tugma ang balagtasan na wala sa karaniwang pagtatalo.
C. Nasusulat ito nang patula.
D. May paksang nauugnay sa kalagayan ng bansa ang mga balagtasan ..

8. Bilang pagkilala sa mahuhusay nating manunulat, nagsimulang magbigay ng gantimpala at parangal sa kanilang istilo ng Don Carlos Palanca Memorial Award para sa Panitikan, Gawad ni Balagtas, Talaang Ginto at iba pa sa ngayong ito. Anong panahon ang tinutukoy dito?

A. Panahon ng Komonwelt
B. Panahon ng Hapon
C. Panahon ng Amerikano
D. Panahon ng Kastila

9. Kailan umusbong ang pagbabagong nangyari sa panitikang Pilipino pagdating sa estilo, paksa at anyo?

A. Panahon ng Amerikano
B. Panahon ng Komonwelt
C. Panahon ng Hapon
D. Panahon ng Aktibismo at Bagong Lipunan

10. Sino ang manunulat na kilala rin sa tawag na Lola Basyang? A. Virgilio Almario
B. Ponciano Pineda
C. Severino Reyes
D. Jose Corazon de Jesus

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.