Questions


October 2022 2 0 Report
1. Isang araw, naakit si Justin na umakyat sa puno ng sinigwelas.Hitik
na hitik ito sa bunga. Wiling-wili siya sa pagpipitas at paglalagay ng sinigwelas sa plastik na supot.Halos mapuno na ang kaniyang lalagyan. Pitas dito, pitas doon ang ginawa ni Justin. Mayamaya ay napansin niyang may gumagalaw sa sanga. “Ay, uod!” ang malakas na sigaw ni Justin.
A. Nabitawan niya ang plastik na lalagyan ng sinigwelas.
B. Nanatili siya sa kaniyang kinatutuntungan.
C. Patuloy siyang namitas ng sinigwelas.
D. Naglambitin na lamang siya.
2. Pista sa kanilang lugar kinabukasan.Tinapos ng mga kabataan ang paglalagay ng mga banderitas sa daan at sa plasa. Inihanda ng mga namumuno ang gantimpala para sa palarong gagawin.Tiniyak nilang lahat ng kakailanganin sa palaro ay nakahanda na. Samantala, ibinalita sa radyo na may paparating na bagyo.
A. Sinimulan na ang palaro.
B. Tuloy pa rin ang paligsahan.
C. Dumating ang maraming bisita.
D. Hindi natuloy ang palarong gagawin.
3. Ito ay kinapapalooban ng detalye tungkol sa buhay ng isang tao.
A. alamat B. kuwento C. pabula D. talambuhay
4. Dito tayo nagbabasa at nanghihiram ng aklat.
A. kantina B. silid-aklatan C. klinika D. punong tanggapan
5. Ito ay uri ng liham - pangangalakal na ginagamit kapag ikaw ay gustong
manghiram ng aklat.
A. Liham Pangkaibigan C. Liham Humingi ng Pahintulot
B. Liham Suskrisyon D. Liham Pasasalamat
6. Ang liham-pangangalakal ay may ______ na bahagi.
A. tatlo C. lima
B. apat D. anim
7. Ito ay bahagi ng liham–pangangalakal na nagsasaad ng pangalan
posisyon,at opisina o tanggapan ng sinusulatan.
A. Pamuhatan C. Bating Panimula
B. Patunguhan D. Katawan ng Liham
17
8. Alin ang tamang pagkasulat ng patunguhan?
A. Bb. Rica Diez C. Magalang Elementary School
School Librarian School Librarian
Magalang Elementary School Bb. Rica Diez
B. School Librarian D. School Librarian- Bb. Rica Diez
Magalang Elementary School Magalang Elementary School
Bb. Rica Diez
9. Ito ay bahagi ng liham na nagsasaad ng mensahe para sa taong
sinusulatan.
A. Pamuhatan C. Bating Panimula
B. Patunguhan D. Katawan ng Liham
10. Alin ang mga detalyeng mababasa sa liham na humihingi ng pahintulot
sa paggamit ng silid-aklatan?
A. oras, lugar, panahon, pangkat C. petsa, pangalan, kaarawan
B. pangkat, petsa, oras, kasapi D. lugar, kapanganakan,oras

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.