Questions


August 2022 2 3 Report
1. Isang araw, naakit si Justin na umakyat sa puno ng sinigwelas.Hitik
na hitik ito sa bunga. Wiling-wili siya sa pagpipitas at paglalagay ng sinigwelas
sa plastik na supot.Halos mapuno na ang kaniyang lalagyan. Pitas dito, pitas
doon ang ginawa ni Justin. Mayamaya ay napansin niyang may gumagalaw sa
sanga. “Ay, uod!” ang malakas na sigaw ni Justin.
A. Nabitawan niya ang plastik na lalagyan ng sinigwelas.
B. Nanatili siya sa kaniyang kinatutuntungan.
C. Patuloy siyang namitas ng sinigwelas.
D. Naglambitin na lamang siya.
2. Pista sa kanilang lugar kinabukasan.Tinapos ng mga kabataan ang
paglalagay ng mga banderitas sa daan at sa plasa. Inihanda ng mga
namumuno ang gantimpala para sa palarong gagawin.Tiniyak nilang lahat ng
kakailanganin sa palaro ay nakahanda na. Samantala, ibinalita sa radyo na may
paparating na bagyo.
A. Sinimulan na ang palaro.
B. Tuloy pa rin ang paligsahan.
C. Dumating ang maraming bisita.
D. Hindi natuloy ang palarong gagawin.
3. Ito ay kinapapalooban ng detalye tungkol sa buhay ng isang tao.
A. alamat B. kuwento C. pabula D. talambuhay
4. Dito tayo nagbabasa at nanghihiram ng aklat.
A. kantina B. silid-aklatan C. klinika D. punong tanggapan
5. Ito ay uri ng liham - pangangalakal na ginagamit kapag ikaw ay gustong
manghiram ng aklat.
A. Liham Pangkaibigan C. Liham Humingi ng Pahintulot
B. Liham Suskrisyon D. Liham Pasasalamat

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.