1. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang maipauuwing pasalubong ng panauhin.
Paksang diwa: _____________________________


2. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan ang mga produkto nating gawing kamay na tulad ng binurdahan at nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang larangan.

Paksang diwa: _____________________________


3. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang bilang pasasalamat sa kanilang patron.
Isa pang kilalang tradisyon natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.
Paksang diwa: _____________________________


4. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang pamilya. Bukod dito, biyaya ng Diyos ang ating pamilya kaya’t patuloy mong ingatan.
Paksang diwa: _____________________________


5. Napakahalaga ng bitamina A sa ating katawan. Ito ang tumutulong upang lalong luminaw ang ating mata. Ang kakulangan sa bitaminang ito ay maaaring magdulot ng paglabo ng paningin. Ang mga pagkain na mayaman sa bitamina A ay atay (manok o baka), itlog, gatas, keso, mga luntian at dilaw na gulay at prutas.
Paksang diwa: _____________________________

sana matulungan nyo po ako..

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.