kanyang pagiging babae, uri na kanyang kinabibilangan, at kung paano tinitingnan ng mga matang mapanghusga ang kanyang katayuan sa buhay. Sa bahaging ito ay ating tatalakayin kung paano si Sisa ay inabuso at inalipusta dahil sa kanyang
kasarian, uri, at katayuan sa lipunan.
Una, ang pagiging babae ni Sisa. Si Sisa
ay nasa murang edad pa lamag nang nakapag-asawa siya ng isang basagulero, lasenggo, sugarol, at mapang-abusong lalake. Mayroon silang dalawang anak na nagngangalang Crispin at Basilio.
Bilang babae, tinitingnan si Sisa na
mahina ng kanyang asawa kaya't siya
ay minamaltrato at sinasaktan nito. Kung
ating iisipin, para na ring hinubaran at
pinagsamantalaan ang pagkababae ni
Sisa ng kanyang asawa. Ibinenta ang
kanyang mga alahas upang matustusan
ang bisyo nito sa pagsasabong at
nakatikim pa ito ng dahas sa mga kamay
nito. Hindi pinahalagahan ang kanyang
pagiging asawa. Nasa balikat ni Sisa
ang lahat ng responsabilidad bilang
magulang. Siya lamang ang kumalinga
sa kanilang mga anak. Tanging si Sisa
na ang umako sa pagpapanatili ng
kanilang tahanan. Higit sa lahat, hindi
pinahalagahan ng mga naghaharing
uri sa lipunan (e.g. guardia civil, prayle,
etc.) ang kanyang pagiging ina. Si
Sisa ay pinagkaitan ng karapatan na
ipagtanggol ang kaniyang anak laban
sa maling paratang. Kahit na lumuhod
na siya sa pagmamakaawa at mapaos
ang kanyang boses sa kasisigaw,
ipinagsawalang-bahala ng mga ito
ang karapatan niya bilang isang ina na
makamit ang hustisya para sa kanyang
anak. Sa kasamaang palad, siya pa
ay inaresto at ikinulong. Ang kawalan
ng pag-asa ni Sisa sa paghahanap
sa kanyang anak na si Crispin ay inilarawan ni Rizal sa pamamagitan ng mga katagang ito: "The wails of that mother were more lugubrious than those unknown lamentations on the dark night when the storm rages."
Pangalawa, ang pagiging kabilang ni Sisa
sa uri ng mga sadlak sa kahirapan. Isa
na rin marahil ito kung bakit hindi siya nakapagtapos sa kanyang pag-aaral. Ating alalahanin na sa panahon na kanyang ginagalawan noon, sinisiil ang kanilang mga karapatan lalo iyong sa mga mahihirap at kababaihan. Sa gayon, isa na rin itong sanhi kung bakit
hindi makaalis si Sisa sa kanyang uri na kipapalooban.
Ang tanging hanapbuhay ni Sisa upang matustusan ang kanilang mga pangangailangan ay ang pagiging isang mananahi ng damit. Sa kasamaang palad, kahit na natapos na niya ang kanyang trabaho, madalas ay hindi siya binabayaran sa kanyang mga gawa. Makikita natin dito na si Sisa ay nakararanas ng hindi pantay na pagtrato bilang isang manggagawa dahil siya ay isang payak na mamamayan lamang.
Bukod pa rito, mas matinding
karalitaan ang dinanas ni Sisa sa mga
makapangyarihan sa lipunan. Upang
ilarawan ang kaniyang kahirapan na
dinanas, nabanggit ni Sisa sa nobela
ang mga katagang ito: "It is because we
are poor, and we the poor must endure
everything!" Ang ipinapatungkol dito ay
ang kanilang mga abusong natanggap
sa kamay ng mga prayle at guadia civil.
Siya ay inalipusta ng mga naghaharing-uri
na ito. Naghihirap sila dahil sa sila ay
mahirap. Ang ganitong karanasan ni Sisa ay hindi lingid sa kaalaman ng nakararami. Sa makatwid, ang buhay ni Sisa ay naging tema na ng pelikula, sining, dulaan, at tula. Sa tula ni Luis Tizon na "Song a Madwoman Sang One May", inilarawan niya ang saloobin ni Sisa patungkol sa kanilang paghihirap sa kamay ng mga prayle: "Don't ask, the priest says I've no price". Samakatwid, si Sisa (at iyong mga kagaya niyang mahihirap) ay tinitingan bilang basura ng
Answers & Comments
Answer:
Ang tauhan ni Sisa sa Noli Me Tangere
ay biktima ng kanyang lipunan dahil sa

lipunan na kanilang kinasasadlakan.
Pangatlo, ang katayuan ni Sisa sa lipunan.
Ang pagkakulong ni Sisa ay nagdulot sa
kaniya ng malaking kahihiyan. Isa na rin
itong dahilan upang husgahan siya ng
mga tao.
Explanation:
ctto