Questions


September 2022 1 1 Report
1.
"Hmmm, hindi maaari ito. Matabang usa ang nahuli ng bitag niya, samantalang ang sa aki'y isang munting ibon
lang ang nadale." Sa pahayag na ito, mahihinuhang ang hanapbuhay ng mag-asawa ay...
A. pag-aalaga ng hayop
C. pangangaso
B. pagkakaingin
D. pagsasaka
2. Batay sa binitiwang pahayag ni Lokes a Mama sa bilang 1, ano ang ugali niya?
A. makasarili
C. mapagmataas
B. mainggitin
D. magagalitin
3. "Alam ko na, pagpapalitin ko ang mga hayop na nahuli ng aming mga bitag," ang nakangising wika ni Lokes a
Mama. Mahihinuhang si Lokes a Mama ay...
A. sinungaling
C. mandaraya
B. maarte
D. pasikat
4. Sinolong kinain ng lalaki ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit alam niyang gusto rin ito ng kaniyang
asawa. Masasalaming ang mga asawang lalaki sa tradisyong Muslim ang siyang...
A. nangingibabaw
C. namamayagpag
B. nasusunod
D. lahat ng nabanggit
5. Batay sa bilang ikaapat, makikitang ang lalaki ay isang asawang...
A. makasarili
C. matakaw
B. mayabang
D. tuso
6. "Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan dahil ika'y asawa ko," ang wika ni Lokes a Babay sa
asawang si Lokes a Mama. Mahihinuhang ang kalagayan ng mga kababaihan sa lipunan ng Meranao ay...
A. Hindi nila magawa ang kanilang nais gawin.
B. Sunod-sunuran lamang sila sa kanilang asawa.
C. Walang sariling desisyon at paninindigan sa buhay.
D. Lahat ng nabanggit.
7. Batay sa pahayag na nasa ikaanim na bilang, mahihinuhang si Lokes a Babay ay isang asawang...
A. palakaibigan
C. pasensiyosa
B. maunawain
D. kalmado
8. "Gusto kong makatikim ulit ng matabang usa. Halika, maglagay tayong muli ng bitag sa gubat,” sabi ni Lokes a
Mama. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na ito?
A. Madaling makahuli ng usa sa gubat.
B. Sagana ang gubat sa mga hayop na maaaring mahuli.
C. Hindi mauubos ang mga hayop sa kanilang kagubatan.
D. Hindi ipinagbabawal ang panghuhuli ng mga hayop
9. Ipinagbilin ni Lokes a Babay sa kanyang mga guwardiya na huwag na huwag palalapitin ang kanyang asawa sa
kaniyang magarang tahanan. Mahihinuhang si Lokes a Babay ay...
A. masungit
C. maarte
B. mapaghiganti
D. magagalitin
10. Ang mag-asawa sa binasa ay kapwa nabubuhay sa pangangaso. Mahihinuha na ang kanilang lugar ay...
A. magubat at mapuno
C. malayo sa kapatagan
B. maraming pananim
D. maalaga sa mga hayop

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.