Questions


December 2022 2 8 Report
1. Hindi naniniwala ang iyong mga magulang sa kahalagahan ng pag-aaral kaya nais nila na tumulong ka na lamang sa pagbabantay na inyong tindahan. Ano ang dapat mong gawin? a. Kausapin at ipaunawa sa kanila ang kahalagahan ng edukasyon b. Umasa na lamang na magbabago pa ang kanilang pasya c. Ipakita na masama ang loob mo sa kanila d. Magbisyo na lamang

2. Si Marco ay isang Kristiyano at ang kaniyang kamag-aral ay isang Muslim. Ano ang dapat niyang gawin? a. Makipagdebate sa kamag-aral b. Huwag itong kausapin c. Respetuhin ang paniniwala nito d. Makipag-away sa kamag-aral

3. Dumaranas ng matinding pagsubok ang pamilya ni John, ano ang dapat niyang gawin? a. Tumigil sa pag-aaral b. Magrebelde na lamang c. Magsikap at manalig sa Diyos d. Makinig sa payo ng kaibigan

4. Nais ng iyong kaibigan na awayin ang inyong kamag-aral matapos nitong tumanggi na ibigay ang kaniyang pagkain. Ano ang dapat mong gawin? a. Tulungan ang kaibigan b. Kausapin ang kaibigan at ipaliwanag na mali ang nais niyang gawin c. Pabayaan na lamang silang mag-away d. Umiyak na lamang

5. Paano mo ipakikita ang pagmamahal mo sa iyong kapuwa? a. Pagsigaw sa pulubi b. Pagsigaw sa kapatid c. Pagtulong sa kapuwa d. Pangungunsinti sa kaibigan

6. Habang ikaw ay patungo sa simbahan, nakita mo ang dalawang bata na nag-aaway. Ano ang dapat mong gawin? a. Masaya silang panonoorin b. liwas upang hindi madamay c. Magpapatulong sa nakatatanda upang sila ay patigilin d. Hahayaan na lamang sila

7. Nakita mo ang isang babae na nahagip ng bisikleta. Nagdurugo ang kaniyang paa at wala siyang kasama. Ano ang dapat mong gawin? a. Aalamin kung ano ang nangyari b. Hihingi ng tulong sa nakatatanda upang madala siya sa pagamutan c. Magpapatuloy na lamang sa paglalakad d. Sasabihin sa kaniya na dapat siyang pumunta sa klinika

8. Umuwi ang iyong tatay at sinabing nawalan siya ng trabaho. Bilang isang taong puno ng pag-asa at pananalig, ano ang dapat mong sabihin at gawin? a. Huwag siyang mag-alala at ayos lamang kahit wala siyang trabaho b. Huwag siyang mag-alala at ikaw na lamang ang magtatrabaho c. Huwag siyang mag-alala dahil titigil ka na sa pag-aaral d. Aayain siyang manalangin at tutulungan siyang umisip kung saan maaaring mag-apply o humanap ng trabaho

9. Nakasalubong mo ang isang matandang lalaki na may dalang malaking bag. Nahihirapan siyang tumawid. Ano ang dapat mong gawin? a. Pagagalitan siya b. Hindi papansinin ang matandang lalaki c. Sasabihin sa kaniya na dapat siyang humingi ng tulong sa iba d. Tutulungan siya sa pagbubuhat ng bag at sasamahan siyang tumawid

10. Kung ang iyong kaibigan ay nagpapahayag ng kaniyang mga paniniwala, ano ang pinakamabuti mong gawin upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan? a. Igagalang at uunawain ang kaniyang mga kasanayan at paniniwala b. Magdadahilan na marami kang dapat gawin c. Pakikinggan siya ngunit hindi ito paniniwalaan d. Pipiliin lamang ang mga nais pakinggan

11. Nahihirapan ang iyong nakababatang kapatid sa pagsagot ng kaniyang takdang-aralin. Wala ang inyong mga magulang upang tulungan siya. Ano ang dapat mong gawin? a. Makipaglaro sa iyong mga kaibigan b. Tulungan siya sa pagsagot ng kaniyang takdang-aralin c. Pagtawanan siya d. Utusan siyang maglinis ng inyong tahanan

12. Batid mong maghapon nang naglalaba ang iyong nanay. Nang magtungo ka sa inyong kusina ay napansin mong maraming hugasin sa lababo. Ano ang dapat mong gawin? a. Magpanggap na hindi ito napansin o nakita b. Matulog na lamang c. Manood ng paborito mong palabas sa telebisyon d. Hugasan ang mga plato at baso upang matulungan ang iyong nanay

13. Masama ang loob ng iyong kapatid sa inyong pinsan. Nais niya na huwag mo itong pansinin o kausapin. Ano ang dapat mong gawin? a. Sundin ang iyong kapatid at huwag nang makipag-usap sa inyong pinsan b. Iwasan ang iyong kapatid at pinsan c. Payuhan ang iyong kapatid at tulungan siyang makipag-ayos sa inyong pinsan d. Huwag na lamang makialam

14. Abala sa pagkukumpuni ng inyong bakuran ang iyong tatay. Batid mong hindi pa siya kumakain. Ano ang dapat mong gawin? a. Huwag na lamang itong pansinin b. Ikuha siya ng tinapay o anumang pagkain na mayroon sa inyong tahanan c. Ayain siyang manood ng telebisyon d. Utusan siyang magwalis pagkatapos magkumpuni

15. Inatasan ka ng inyong guro na manalangin bago magsimula ang inyong klase. Ano ang dapat mong gawin? a. Tumanggi at sabihing ikaw ay nahihiya b. Sabihin sa guro na hindi ka marunong manalangin c. Manalangin nang taimtim d. Sabihin sa guro na iba na lamang ang atasan niyang manalangin


B. Sa iyong palagay, ano ang kaugnayan ng ispiritwalidad sa pagkakaroon ng mabuting pagkatao anuman ang paniniwala? Ipaliwanag ang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

C. Bilang isang kabataang Pilipino, paano mo ipamamalas ang positibong pananaw at pag-asa sa panahong dumaranas ka ng suliranin sa buhay? Ipaliwanag ang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. pa help p​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.