Questions


August 2022 1 2 Report
1. “Hindi ko naman kailangan gumradweyt, eh, hindi ko na kailangan mag-aral sa dami ng pera niyo ni daddy,” palaging katwiran ni Juan tuwing pinapagalitan ng ina dahil sa hindi pagpasok sa klase niya. Si Juan ay ________________. *

1 punto

B. nagmamayabang

A. nagagalit

C. natutuwa

D. naiiyak

2. “Anak, sa darating na pasukan, kailangan mong lumipat ng eskwelahan. Hindi na natin kakayanin yung bayarin sa pribadong paaralan diyan sa baryo,” ang sabi ng ina ni Juan sa kanya. Ang ina ni Juan ay _________________. *

1 punto

D. nagagalit

B. natutuwa

C. natatakot

A. nalulungkot

3. “Juan! Juan! Ang daddy mo,” sabi ng ina ng batang tamad mag-aral. Inatake sa puso ang ama ni Juan. Paano mo mailalarawan ang ina ni Juan sa nabanggit na pahayag? *

1 punto

A. Galit na galit ang ina kay Juan.

B. Nalilito ang ina ni Juan sa mga pangyayari.

C. Natatakot sa maaaring mangyari sa ama ni Juan.

D. Nababahala sa nararamdaman ni Juan.

4. Maraming pagkakataon na kinakailangan ni Juan na pumunta sa paaralan na walang laman ang tiyan o ang bulsa niya. Paano mo mailalarawan si Juan sa pahayag na ito? *

1 punto

A. Si Juan ay walang baon at gutom sa tuwing pumapasok.

B. Siya ay nawiwili sa paglalaro kaya wala palagi siyang pera.

C. Hindi nagugutom si Juan kapag pumasok sa paaralan.

D. Hindi binibigyan si Juan ng pera ng kanyang ina.

5. “Kung sana pinahalagahan ko na noon pa ang pag-aaral ko, ‘di sana hindi na nahihirapan si mama maglabada.” Batay sa damdamin sa pahayag, ang tauhan ay __________________. *

1 punto

A. naisipang huminto sa pag-aaral at maghanap ng trabaho

B. labis ang pagsisisi sa kinahinatnan ng kanyang buhay ngayon

C. may masamang balak upang matapos ang kanyang paghihirap

D. nais na tulungan ang kanyang ina sa paglalabada.

6. Naging kaugalian na ni Nita ang paggising nang maaga. Ngunit sa araw na ito, sinalubong siya ng kanyang mga magulang na may kagalakan at may dala-dalang keyk. Inawitan siya at sabay nilang hinalikan sa pisngi si Nita. Si Nita ay _______________. *

1 punto

A. kagagaling lang mula sa isang sakit

B. masaya dahil kaarawan niya ngayon

C. nagpahanda lang ng keyk maski walang okasyon

D. nakagawa ng mabuting gawain kay binigyan siya ng keyk

7. May uwing pagkain ang tatay. Sinabi ng tatay na hatian ni Rosa ang kanyang kapatid na may sakit na si Mary. Hinati ni Rosa nang higit na malaking parte para sa kanyang maysakit na kapatid. Paano mo mailalarawan si Rosa? *

1 punto

A. masinop

B. matulungin

C. mapagbigay

D. mapagmahal

8. Tinawag ni Kirk si Dave dahil gusto nitong makipaglaro. Sabik man si Dave na lumabas pero ito’y tinanggihan niya dahil bilin ng kanyang tatay na bantayan ang kanilang alagang hayop. Si Dave ay _____________. *

1 punto

A. masunurin

B. magalang

C. mabait

D. matulungin

9. Nagluluto si Pamela ng adobong manok nang nakita niyang kinulang pala siya sa paminta. Dali-daling lumabas si Pamela upang bumili ng paminta sa tindahan na nasa tapat ng kanilang bahay. Pagbalik niya ay may naamoy na siya. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat! Patakbong pumunta si Pamela sa kusina at pinatay ang apoy sa kalan. Sunog na pala ang kanyang nilulutong adobo. Paano ninyo mailalarawan si Pamela sa sitwasyon? *

1 punto

A. Si Pamela ay nalilito.

B. Alisto si Pamela at alam niya ang kanyang gagawin.5

C. Tanggap ni Pamela ang sunog na adobong niluto niya.

D. Natatakot si Pamela na pagalitan ng kanyang ina.

10 . May masarap na baon si Tisoy habang nakita niyang walang kinain ang kanyang kaibigang si Romel. Naawa siya sa kanyang kaibigan. Kaya tinawag niya ito at binigyan niya ng kalahati ng kanyang baon. Si Tisoy ay isang _____________. *

1 punto

A. matapat na kaibigan

B. kaibigang mapagbigay

C. batang masipag

D. masayahing kaibigan

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.