1. Dahil sa pag-uwi mo nang gabi at hindi pagpapaalam sa iyong mga magulang,
ikaw
ay kanilang pinagalitan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Magtampo dahil ngayon lang naman ito nangyari at hindi na uulitin.
B. Humingi ng tawad, magpaliwanag at mangakong hindi na uulitin.
C. liyak at magalit sa magulang.
D. Manahimik at balewalain ang magulang at hindi na uulitin ang ginawa.
2. Ang lahat ng pahayag ay tungkol sa katangian o kahulugan ng puso maliban
sa:
A. Sa pamamagitan nito naipakikita ng tao ang nagaganap sa kanyang
kalooban.
B. Dito hinuhubog ang personalidad ng tao.
C. Maliit na bahagi ng katawan na bumabalot sa buong pagkatao ng tao.
D. Dito nanggagaling ang pasya at emosyon ng tao.
3. Mahaba ang pila sa may paradahan ng dyip, nakita mong malapit na sa
unahang
pila ang iyong bestfriend at niyaya ka niyang pumuwesto na sa kanyang
likuran
upang mapadali ang iyong pagsakay. Tama ba na susundin mo siya?
A Tama, lalapitan muna kaagad para mapadali ang iyong pagsakay sa dyip.
B. Mali, dahil maraming nakakita at baka magalit sila.
C. Tama, dahil nauna naman siya sa pila kaya okey lang na sumabay sa
kanya
D. Mali, dahil marami pang nauna sa iyo at nararapat lamang na sila ang
mauna.
4. Ang tao ay itinuturing na "kawangis ng Diyos", ang ibig sabihin nito ay;
A. Binigyan ang tao ng magandang hanapbuhay para maging malaya.
B. Binigyan ang tao ng kakambal na mga layunin at kalayaan.
C. Binigyan ang tao ng kakayahan na mag-isip at magpasya nang malaya.
D. Binigyan ang tao ng kapangyarihan tuklasin ang kalayaan.
5. Alin sa sumusunod ang tunay na gamit at tunguhin ng isip?
A Pag-unawa sa katotohanan
B. Pag-unawa sa kabutihan
C. Kumilos o gumawa ng katotohanan.
D. Kumilos o gumawa ng kabutihan at katotohanan
6. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?
A mag-isip
B. umunawa
C. magpasya
D. magtimbang ng esensya ng mga bagay
7. May iniinom kang bottled water, nang maubos ito wala kang makitang basurahan kaya't sabi ng kaibigan mo itapon mo na lang ito sa iyong dinadaanan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Itapon nalang sa dinaraanan.
B. Itago nalang muna sa bag.
C. Hayaan ang kaibigan ang magtapon. D. Hayaan nalang sa isang tabi.
8. Ang isip ng tao ay may limitasyon. Ang pahayag ay:
A. Tama, dahil natatapos na ito sa pagkamatay ng tao.
B. Mali, ang isip ay hindi tuluyang nagpapahinga.
C. Tama, dahil ang isip ng tao ay hindi ito kasing perpekto ng Maylikha.
D. Mali, dahil walang limitasyon ang isip ng tao sa anumang gustong isipin.
9. Ang sumusunod na pahayag ay tungkol sa kilos-loob maliban sa:
A. Ito ay may kapangyarihang mangatwiran.
B. Ito ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
C. Ito ay kusang naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
D. Ito ay ugat ng mapanagutang kilos.
10. Ang kilos-loob ay bulag. Ang pahayag ay:
A. Mali, dahil nakikilala nito ang gawaing mabuti at masama.
B. Mali, dahil may kakayahan itong hanapin ang kanyang tunguhin.
C. Tama, dahil umaasa lamang ito sa ibinibigay na impormasyon ng isip. D. Tama, dahil wala itong taglay na panlabas na kamalayan.
11. Itinuturing ang tao na 'kawangis ng Diyos". na 'kawangis ng Diyos". Ang sumusunod ay kasingkahulugan ng "kawagis" maliban sa:
A.katulad
B. kahawig
C. kakambal
D.kamukha
12. Ang isip at kilos-loob, tulad ng katawan ay kailangang gawin ang sumusunod maliban sa:
A. sanayin
B. gawing ganap
C. paunlarin
D. kilalanin​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.