Questions


January 2022 1 9 Report
1. "Bumili ng (Samsung Galaxy) si Karen upang iregalo sa kaarawan ng kaniyang ina." Tukuyin kung anong uri ng pangngalan ang nakapaloob sa panaklong. *
1 point
a. pangngalang pantangi
b. panghalip na panao
c. pangngalang pambalana
d. wala sa nabanggit
2. Ito ay uri ng pangngalan na nagsasaad ng pangkalahatan o di-tiyak na ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o pangyayari. *
1 point
a. pangngalang pambalana
b. pangngalang pantangi
c. pangngalan
d. lahat ng nabanggit
3. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagsasaad ng pangngalang pantangi. *
1 point
a. Mongol
b. Edsa Revolution
c. New Jersey
d. paaralan
4. Ang tahas ay pangngalang nararanasan ng isa sa mga limang pandamdam. Alin sa mga sumusunod na pangngalan ang HINDI nagsasaad ng tahas? *
1 point
a. bundok
b. apoy
c. tradisyon
d. karagatan
5. Doon sa bakanteng lote ay mahilig maglaro ng luksong lubid ang aking (pinsan). Suriin ang kasarian ng pangngalan na nasa panaklong. *
1 point
a. panlalaki
b. pambabae
c. di-tiyak
d. walang kasarian
6. Si (Pres. Rodrigo Duterte) ang nahalal na bagong pangulo ng republika ng Pilipinas. Palitan ng angkop na panghalip panao ang pangngalan na nasa panaklong. *
1 point
a. sila
b. ikaw
c. siya
d. ako
7. Alin sa mga sumusunod na panghalip panao ang nagsasaad ng “taong nagsasalita at maramihan"? *
1 point
a. kita
b. ko
c. kami
d. kayo
8. Ano ang kailanan ng panghalip panao na “ikaw”? *
1 point
a. isahan
b. dalawahan
c. maramihan
d. wala sa nabanggit
9. Alin sa mga sumusunod na panghalip panao ang HINDI nabibilang sa panauhang “taong nagsasalita”? *
1 point
a. sila
b. kami
c. tayo
d. ako
10. “Panatang makabayan, iniibig _____ ang Pilipinas.” Anong panghalip panao ang bubuo sa pahayag? *
1 point
a. kita
b. ka
c. kami
d. ko
11. “Bukas na ang aming markahang pagsusulit, kailangan kong ________________ upang makakuha ng mataas na marka.” Anong angkop na matalinghagang salita ang bubuo sa pahayag? *
1 point
a. magbilang ng poste
b. makakuha ng kalabasa
c. puno na ang salop
d. magsunog ng kilay
12. Sa tuwing pinapagalitan si Hannah, agad itong umiiyak, nagtatampo at nagmumukmok sa kanyang kwarto. Si Hannah ay _____________. *
1 point
a. maanghang ang dila
b. makapal ang mukha
c. isang kahig, isang tuka
d. balat sibuyas
13. Ito ay mga salitang di-pamilyar o salitang tago ang kahulugan at kadalasan ang mga salitang ito ay nakadaragdag sa lalong ikalilinaw ng diwang nais ipahayag.
1 point
a. matalinghagang salita
b. magkasingkahulugang salita
c. pamilyar na salita
d. wala sa nabanggit
14. Alin sa mga sumusunod na matalinghagang salita ang naglalarawan sa “taong walang pera.”
1 point
a. mabigat ang bulsa
b. walang bulsa
c. butas ang bulsa
d. may laman ang bulsa
15. “(Ibinaon sa hukay) ni Kyla ang mapait na karanasan noong nakaraang bagyo.” Ano ang ibig sabihin ng parirala na nakapaloob sa panaklong? *
1 point
a. naghukay ng lupa
b. kinalimutan ang nangyari
c. naalala ang nangyari
d. wala sa nabanggit
16. “Masarap ang simoy ng hangin sa tuwing sasapit ang pasko.” Alin ang pang-uri o salitang naglalarawan sa pangungusap? *
1 point
a. simoy
b. Masarap
c. hangin
d. tuwing
17. “(Madali) lamang ang panutong ibinigay ng guro sa asignaturang Filipino.” Ano ang inilalarawan ng salita na nasa panaklong? *
1 point
a. guro
b. Filipino
c. panuto
d. ibinigay
18. Ang mga sumusunod na pang-uri ay angkop gamitin bilang panlarawan sa ating mga bayani, MALIBAN SA ISA. *
1 point
a. makabayan
b. matapang
c. mahinhin
d. magiting
19. Ang mga sumusunod na pang-uri ay nagsasaad ng pang-uring panlarawan. Alin ang HINDI nabibilang? *
1 point
a. marikit
b. dalisay
c. matulin
d. kaunti
20. Si Rose ay (ubod ng talino) pagdating sa pagbabaybay ng mga salita. Anong antas ng pang-uri ang nasa panaklong? *
1 point
a. lantay
b. pahambing
c. pasukdol
d. wala sa nabanggit
21. Nais malaman ni Paola ang kahulugan ng salitang “ulira.” Anong pangkalahatang sanggunian ang dapat niyang gamitin? *
1 point
a. encyclopedia
b. almanac
c. diksyunaryo
d. atlas
22. Ito ay isang aklat tungkol sa heograpiya na may detalyadong impormasyon tungkol sa ibat ibang bansa at kontinente ng buong mundo. *
1 point
a. atlas
b. almanac
c. encyclopedia
d. diksyunaryo
23. Alin sa mga sanggunian ang babasahin kung nais mong malaman ang bagong pangyayari sa loob at labas ng bansa. *
1 point
a. almanac
b. encylopedia
c. atlas
d. pahayagan
24. Binigyan ng takdang aralin ang mga mag-aaral patungkol sa kumpletong detalye ng mga sinaunang tao na nanirahan sa mundo. Anong angkop na sanggunian ang dapat gamitin? *
1 point
a. diksyunaryo
b. atlas
c. encyclopedia
d. almanac

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.