1. Binigyan ka ng iyong magulang ng tatlong libong piso para ibayad sa iyong tuition fee subalit sa hindi inaasahang pangyayari ito ay iyong naiwala.
Ano ang gagawin mo?
2. Madalas kang binubully ng iyong kaklase sa paaralan maging sa social media.
Ano ang gagawin mo?
3. May tinatapos kang proyekto
dahil kailangan mo na itong
ipasa, pero kailangan ng iyong
inang maysakit ang tulong mo.
Alin ang uunahin mo?
4. Araw-araw kang inihahatid at sinusundo ng iyong ama sa
paaralan subalit sa hindi inaasahang pagkakataon siya'y nagkasakit at hindi ka niya masusundo kaya kailangan mong magbiyahe mag-isa.
Ano ang gagawin mo?
Answers & Comments
Answer:
1.Humingi ng tawad sa magulang at gawan ito ng paraan.
2.Isumbong ito sa teacher at pagsabihan na mali ang kaniyang ginagawa.
3.Tutulungan ang aking ina at ipag-papaalam nalang ito sa techer.
4.Magtiyatiyaga nalang ako upang hindi na maabala ang aking ama.
Answer:
1. Kailangan mong harapin ang magiging reaksyon sayo ng magulang mo at sabihin ang totoo dahil hindi maganda ang magsinungaling sa magulang, at subukang mag-part time job para hindi na maging pabigat sa magulang
2. Sabihin ito sa guro o kaya naman ay sa prinsipal para magawan nila ng aksyon ((okaya ibully mo rin sila para masaya))
3. Kailangan mong unahin ang iyong ina at sabihin nalang sa iyong guro ang dahilan kung bakit ikaw ay nahuling makapagpasa ng proyekto
4. Sasanayin na ang sariling mag-biyahe ng mag-isa kahit mahirap dahil kailangan mong intindihin ang sitwasyon ng iyong ama ((huwag kang pabigat))