Questions


October 2022 1 2 Report
1. Basahin at unawain nang mabuti ang seleksiyon. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang.
Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang gawaing ninanais
niya ay isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may masayang na panahon dahil
naniniwala siya na ang oras ay ginto. Mahalaga ang bawat sandali kaya't hindi niya ito
inaaksaya. Ayon sa kaniya, ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa.
Naging kawa! siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya, at
matapos nito ay naging senador. Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington,
United States of America. Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya ay isang abogado. Di
nagtagal, siya ay naging pangulo ng Senado ng Pilipinas at nahalal na pangulo ng
Commonwealth o ng Malasariling Pamahalaan noon.
Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng katarungang Panlipunan, binigyan niya
ng pantay na pagpapahalaga ang mahihirap at mayayaman. Si Quezon din ang
nagpasimula sa pagkakaroon natin ng pambansang wika. Kung hindi dahil sa kaniya,
walang isang wika na magbubuklod sa lahat ng Pilipino. Dahil dito, siya ay tinawag na
"Ama ng Wikang Pambansa."
1. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa?
A.' Andres Bonifacio
c. Diosdado Macapagai
B. Jose Rizal
d. Manuel Quezon
2. Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang Pambansa?
A. Tinuruan niyang magsalita ng Filipino ang mga tao.
B. Kilala siya sa pagiging magaling magsalita ng Filipino.
C. Sinimulan niya ang pagkakaroon ng pambansang wika.
D. Hinimok niya ang mga Filipino na isa lamang ang gamiting wika.
3. Alin sa sumusunod ang naging trabaho ni Quezon?
A. guro, doctor, abogado
B. senador, modelo, kawal
C. alkalde, kongresista, pangulo
D. abogado, gobernador, senador
4. Anong uri ng pamahalaan ang pinamunuan ni Manuel Quezon?
A. Pamahalaan ng Biak na Bato.
B. Pamahalaang Commonwealth.
C. Pamahalaan ng Ikatlong Republika.
D. Pamahalaang Rebolusyunaryo.
5. Bakit kaya niya sinabing ang magagawa ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas
ра? ?
A. Madali siyang mainip. kaya dapat tapusin agad ang gawain.
B. Pinapahalagahan niya ang oras, kaya hindi ito dapat sayangin.
C. Marami siyang ginagawa, kaya kailangang sundin ang iskedyul.
D. Lagi siyang nagmamadali, kaya hindi dapat nahuhuli sa gawain.
6. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na makamahirap si Quezon?
A. Tumira siya sa bahay ng mahihirap.
B. Binibigyan niya ng pera ang mahihirap.
C. Pinatupad niya ang katarungang Panlipunan.
D. Iba ang tingin niya sa mahihirap at mayayaman.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.