1. Bakit kailangan ko na bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?: Para alam mo kung anong landas na iyong tatapakan. 2. Ano ang kahalagahan nito sa aking buhay?
1. Bakit kailangan ko na bumuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay?
>>Sa pagpapasiya, kailangan mo ng gabay. Tulad ng isang bulag, lubos siyang mahihirapan sa paglalakad kung walang tungkod na gagabay sa kaniya. Ito ang nagsisilbing kasangkapan niya upang marating niya ang kanyang nais puntahan. Gayundin ang tao, kailangan niya ng gabay sa pagpapasiya upang hindi siya magkamali; nang sa gayon, magkakaroon siya ng tamang direksyion sa pagkamit ng mga layunin niya sa buhay.
2. Ano ang kahalagahan nito sa aking buhay?
>>Ito ay katulad ng isang personal na Kredo o isang motto na nagsasalaysay kung paano mo ninanais na dumaloy ang iyong buhay. Ito ay magiging batayan mo sa iyong gagawin na mga pagpapasya sa araw-araw. Isang magandang paraan ito upang higit mong makilala ang iyong sarili at kung saan ka patutungo. Nagsisilbi itong simula ng matatag na pundasyon sa pagkakaroon mo ng sariling kamalayan at mataas na pagpapahalaga sa iyong mga layunin sa buhay. Hindi madali ang paglikha nito, dahil nangangailangan ito ng panahon, inspirasyon at pagbabalik-tanaw.
Makatutulong ito upang maihanda natin ang ating sarili't para sa mga pagpapasyang ating gagawin sa hinaharap. Mas makikilala natin ang ating sarili at matutulungan tayo nito sa pagpili ng kursong angkop para sa ating kakayahan.
Answers & Comments
Answer: