1.) Ayon kay Dr. Manuel Dy, isang propesor ng pilosopiya sa Ateneo de Manila University, binubuo ng tao ang lipunan at binuo ng lipunan ang tao. Ito ay nangangahulugang:

A.) Ang tao ang gumagawa sa lipunan at kaalisabay nito ay ang lipunan at hinuhubog ng lipunan ang mga tao.
B.) Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil mula sa kaniyang pag silang ay nariyan na ang pamilyang nag-aaruga sa kaniya" binubuo ng lipunan ang tao dahil sa matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito.
C.) Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil sa kontribusyon ang nag papalago at nagpapatagbo dito" binubuo ng lipunan ang tao dahil ang lipunan ang nag bubuklod sa lahat ng tao.
D.) Ang tao ang bumubuo sa lipunan dahil pamilya ang nag-aaruga sa tao at dahil matatagpuan ang tao sa lahat ng bahagi nito" binubuo ng lipunan ang tao dahil sa lipunan makakamit ang kaniyang kaganapan ng pagkatao.

2.) Ang sumusunod ay hadlang sa pagkamit ng kabutihang panlahat maliban sa:

A.) Paggawa ng tao ayon sa kaniyang pansariling hangad
B.) Pagkakaroon ng pakiramdam na mas malaki ang naiiambag ng sarili kaysa sa nagagawa ng iba.
C.) pakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat subalit pagtanggi sa pagbabahagi para sa pagkamit nito.
D.) Pagkakait ng tulong para sa kapwa na nangangailangan.

3.) Ang pagkakaiba ng lipunan sa komunidad ay _____

A.) Pangingibabaw ng iisang tunguhin o layunin samantalang sa komunidad ang mahalaga ay ang pagkakabukod tangi ng mga kabilang nito.
B.) Ang pangkat ng mga tao ay may nagkakaisang interes, mithiin at pagpapahalaga samantalang sa komunidad, ang namumuo ang nagbibigay ng direksyon sa mga tao kasapi nito.
C.) Ang namumuo ay inaatasan ng mga mamamayan na kamtin ang mithiin ng mga kasapi nito samantalang sa komonida, ang mga tao ang nararapat na manaig sa pagkamit ng kanilang mga mithiin.
D.) Ang mas malaking pamahalaan ang nakakasakop samantalang sa komunidad ay mas maliit na pamahalaan.

4.) Ang buhay ng tao ay panlipunan. Ang pangungusap ay:

A.) Tama, dahil sa lipunan lamang siya nakapamuhay.
B.) Tama, dahil lahat ng ating ginagawa at ikinikilos ay nakatuon sa ating kapwa.
C.) Mali, dahil may mga pagkakataon ang tao ang nagnanais na makapag-isa.
D.) Mali, dahil may iba pang aspekto ang tao maliban sa pagiging panlipunan.

5.) Ang mga sumusunod ay elemento ng kabutihang panlahat maliban sa:

A.) Kapayapaan
B.) Katiwasayan
C ) Paggalang sa indibidwal na tao.
D.) Tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng lahat.

6.) "Huwag mong itanong kung ano ang magagawa ng bansa para sa iyo, kundi itanong mo kung ano ang magagawa mo para sa iyong bansa. Ang mga katagang ito ay winika ni:

A.) Aristotle
B.) St. Thomas Aquinas
C.) John F. Kennedy
D.) Bill Clinton

7.) Ano ang tunay na layunin ng lipunan?

A.) Kapayapaan
B.) Kabutihang panlahat
C.) Katiwasayan
D.) Kasaganaan

8.) Ano ang kabutihang panlahat?

A.) Kabutihan ng lahat ng tao
B.) Kabutihan ng mga pangkat na kasapi ng lipunan
C.) Kabutihan ng bawat indibidwal na kasapi ng lipunan
D.) Kabutihan ng lipunang nararapat bumalik sa lahat ng mga kasapi nito. sa pagkakapantay-pantay, masasakripisyo ang kabutihang panlahat.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.