1. Anyong lupa na binubuo ng mga malalaki at maliliit na pulo at napapalibutan ng tubig. 2. Ang islang hinahanap ng mga Europeo na naging daan sa pagkakatuklas sa ating bansa. 3. Tawag sa magandang lokasyon ng Pilipinas kaya naging tagpuan ito ng kutturang Kanluranin at Silangan. 4. Bansang nagtatag ng mga base militar sa Pilipinas
Answers & Comments
Answer:
1. Arkipelago ang tawag sa uri ng anyong lupa na binubuo ng mga maliliit at malalaking pulo na napapalibutan ng tubig. Ang ating bansang Pilipinas ay isang arkipelago.
2. Ang islang hinahanap ng mga Europeo na naging daan upang matuklasan ang Pilipinas ay ang Moluccas Island. Ang Moluccas Island ay tinatawag ding Spice Island o Isla ng Maluku. Ito ay makikita sa Indonesia at ang kapuluan ay malaking bahagi ng tabing dagat ng Timog Silangang Asya.
3. Ang tawag sa magandang lokasyon ng Pilipinas kaya naging tagpuan ito ng kulturang kanluranin at silangan ay estratehiko.Ang bansang Pilipinas ay isang bansang mayaman sa yamang likas. Ito ay pinaniniwalaang may estratehikong lokasyon sapagkat napaliligiran ito ng mga bansang popular o kabilang sa mga binansagang Major Trade Countries na siyang nakapag-aangkat ng maraming bilang ng mga produkto sa bansa.
4. Ang bansang nagtatag ng mga base militar sa Pilipinas ay ang bansang Amerika. Ang base militar ay ang tawag sa kampo o pasilidad na ginagamit ng sandatahang hukbo para sa mga operasyon. Ito rin ang nagsisilbing pasilidad na pinagdarausan ng iba’t ibang pagsasanay para sa mga sundalo. Bilang karagdagan, ang mga kagamitang pangmilitar ay ditto rin inilalagak o itinatago.
Answer:
2. Ang moluccas Island ay tinatawag din na spice island o isla ng moluku. Ito ay makikita sa Indonesia at ang kapuluan ay malaking bahagi ng tabing dagat ng timog silangan asya 3. Ang tawag sa magandang lokasyon ng Pilipinas kaya naging tagpuan ito ng kulturang kanluranin at silangan ay estratehiko.
4. Ang bansang nagtatag ng mga base militar sa Pilipinas ay ang bansang Amerika. Ang base militar ay ang tawag sa kampo o pasilidad na ginagamit ng sandatahang hukbo para sa mga operasyon.
Explanation: